Nasa 300 pribadong ospital, nanganganib na magsara dahil sa epekto ng COVID-19

Imahe mula sa PHAPi
  • Maaaring magsara ang 300 maliliit na pribadong ospital na naapektuhan ng COVID-19
  • Ayon kay PHAPi President Dr. Rustico Jimenez bukod sa natatakot na pumunta sa mga ospital ang mga tao ngayon ay delayed din ang bayad sa kanila ng PhilHealth
  • Marami raw sa kanilang mga miyembro sa Mindanao, Iloilo, Bulacan, at Batangas ang hindi pa nababayaran

Nanganganib na magsara ang mahigit 300 na maliit na pribadong mga ospital dahil sa epekto ng COVID-19, ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPi).

Imahe mula sa PNA

Paliwanag ni PHAPi President Dr. Rustico Jimenez, aabot sa 50 percent sa 744 miyembro nila ang maaaring magsara bunsod ng iba’t ibang kadahilanan.

“There are many factors. Number one, there are only a few patients going to non-COVID facilities because they are scared. Coupled with that is the much delayed payment from PhilHealth,” ani Jimenez sa isang panayam sa One News PH.

Marami raw sa kanilang mga miyembro sa Mindanao, Iloilo, Bulacan, at Batangas ang hindi pa nababayaran. “Hindi pa nakababawi [ang mga ospital sa Batangas] dahil sa Taal Volcano eruption, ito na naman yung COVID,” dagdag niya.

Sa ngayon daw ay marami na rin sa kanilang mga miyembro ang emergency room na lamang ang bukas.

Kamakailan lamang ay nagsumite ng liham ang PHAPi kay Pang. Duterte upang ipanawagan na palitan na si Health Secretary Francisco Duque III.

Imahe mula sa PNA

“Respectfully, our members feel that they have enough of the promises of PhilHealth and the Department of Health both government agencies respectively chaired and headed by Sec. Francisco T. Duque III, MD,” saad sa liham.

“For this reason, the PHAPi, an association of 744 member private hospitals now respectfully requests for the replacement of Duque as DOH Secretary and Chairman of PhilHealth and appoint someone who can deliver the goods better in addressing the health concerns of the country.”

Mataas daw ang respeto nila kay Duque ngunit maaaring pagod na ito at kailangan na ng kapalit.

“We have high regards for him as among our esteemed colleagues in the healthcare industry but he seems to be already so exhausted and there is need for a fresh bl00d and a fresh mind to lead the DOH and PhilHealth,” anila.

Loading…