Nasa puso ko pa rin ‘yan: Willie Revillame iniwasan ang biro ni Harry Roque tungkol sa ABS-CBN shutdown

Imahe mula sa YouTube | Wowowin
  • Dumistansya ang host na si Willie Revillame nang banggitin ng kaniyang guest na si Presidential Spokesperson Harry Roque ang isyu ng prangkisa ng ABS-CBN
  • Biro ni Roque, palagay niya ay si Willie ang may kagagawan kung bakit nawalan ng prangkisa ang network
  • Sagot ni Willie, malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN dahil dito siya nagsimula kaya naman nasa pus0 niya pa ito

Iniwasan ng host na si Willie Revillame ang usapin tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN nang biruin siya tungkol dito ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-guest sa kaniyang online show na “Tutok to Win.”

Imahe mula sa YouTube | Wowowin

Sa panimula ng programa ay sinabi ni Roque na minarapat niyang mag-guest doon dahil tuwing makikita siya ng mga Pilipino sa mga briefing ay laging problema sa COVID-19 ang pinag-uusapan.

Dagdag ni Willie, ito raw ang unang pagkakataon na lumabas si Roque sa Malacañang. “Sa kauna-unahang pagkakataon, ikaw lang ang napapanood sa buong bansa,” sagot naman ni Roque sa kaniya.

“Alam mo, duda ko, kaya iyong isa nawalan ng prangkisa, ikaw may kagagawan niyan, e. Oh, aminin. Aminin,” hirit pa ni Roque.

Sa puntong ito ay napailing habang tumatawa si Willie. Ipinaalala niya kay Roque na sa ABS-CBN siya nagsimula at nakilala kaya naman nasa pus0 pa rin niya ang network na iyon. “Malaki din po ang utang na loob ko sa istasyon na ‘yan.”

Imahe mula sa YouTube | Wowowin

“Ah, oo nga pala,” ani Roque.

“Kaya Sec, huwag mo akong idamay. Baka ma-bash pa ako. Nananahimik po ako,” sabi ni Willie.

“Pero anyway, nag-iisa ka na lang ngayon,” pagpapatuloy ng natatawang si Roque.

Dito na tuluyang iniwasan ni Willie ang usapin. “‘Wag na nating pag-usapan ‘yan. Hindi natin pag-uusapan ang kung anumang prangkisa. Ang pag-uusapan natin dito ay ‘yung ating hinaharap na kinabukasan.”

Dinidinig sa Kongreso ang pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN na napaso nong May 4, 2020. May 5 nang maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission kaya naman nawala na sa ere ang network noon.

Panoorin ang episode dito:

Source :

Pep.ph, YouTube

Loading…