Nasaan na nga ba ang dating katambal ni Anne Curtis na si Chubi Del Rosario?

  • Marami ang nagtatanong kung nasaan na nga ba ang TGIS actor na si Chubi Del Rosario
  • Nakilala siya sa naturang youth–oriented show na TGIS katambal si Anne Curtis
  • Tahimik ngunit aktibo ang kaniyang pribadong pamumuhay ngayon bilang negosyante, yoga, at pranic healing instructor

Nasaan na nga ba ang dating katambal ni Anne Curtis–Smith na si Chubi Del Rosario?

Itinampok ng PEP o Philippine Entertainment Portal sa kanilang seryeng “WHERE ARE THEY NOW”  kung ano na nga ba ang kinahinatnan ni Chubi Del Rosario matapos iwan ang limelight, at piniling maging pribado na lamang mula sa publiko ang kaniyang pamumuhay.

Imahe mula sa Instagram account ni Anne Curtis/ Public Domain Image

Para sa mga hindi nakaaalam, 9 na taong gulang pa lamang si Chubi nang magsimula ang kaniyang showbiz career. Una siyang napanood sa pelikulang “Baby Love”, isang romantic comedy movie ng Regal Films, na pinagbidahan nina Anna Larrucea at Jason Salcedo, na parehong wala na rin sa showbiz limelight.

Taong 1996, napabilang sa cast si Chubi sa youth–oriented show ng GMA–7 na “TGIS” at dito kinakiligan ang kanilang tambalan ni Anne Curtis, sa pagpasok nito sa second batch ng mga cast na nagtampok kina Antoinette Taus, Sunshine Dizon, at Dingdong Dantes.

Nagtuloy–tuloy na ang kanilang pagtatambal sa mga TV series tulad ng “Anna Karenina” at “Ikaw Na Sana” noong 1998. Maging sa mga pelikulang “Ikaw Lamang,” “Honey My Love So Sweet,” noong 1999 at Ika-13 Kapitulo” noong 2000 ay kinatuwaan din ang kanilang tambalan.

Inamin noon ni Anne sa isang panayam sa kaniya na itinuturing niyang “puppy love” si Chubi Del Rosario. Ito raw ang kaniyang “first and only” love team.

Nang lumipat si Anne sa ABS–CBN, nagkaroon ng ibang kapareha si Chubi sa katauhan ng aktres na si Karen Delos Reyes, na unang nakilala sa isang tv commercial ng isang sikat na fast–food chain. Ito ay may pamagat na “Ang Iibigin Ay Ikaw” na pinagbidahan nina Christopher de Leon, Alice Dixson, Lani Mercado, at Richard Gomez noong 2002.

Dahil pumatok ang naturang serye, nagkaroon ito ng sequel noong 2003 na pinamagatang “Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin” kung saan kabilang pa rin si Chubi sa cast. Ito na pala ang huli niyang tv project. Noong 2004, tuluyan niyang iniwan ang showbiz at pinasok ang buhay–teatro.

Sa ngayon, may pag–aari na siyang events company na tinatawag na  “Party with Jive”, kung saan isa rin siya sa mga nagsasagawa ng hosting. Siya rin ay yoga at “pranic healing” instructor.

Sa panahon ng lockdown dahil sa COVID–19, isinagawa niya ang kaniyang proyektong “Life Flow Living” na nakapokus sa mentorship, healing, at training sa mga tao upang matamo ang wholistic self-development.

Imahe mula sa Instagram account ni Chubi Del Rosario

Loading…