Natikman mo na ba ang iba’t ibang timpla ng longganisa?

  • Isa sa mga paboritong processed meat na ulam ng mga Pilipino ang “longganisa”
  • Marami pala itong uri at timpla batay sa lalawigan
  • Kaniya–kaniyang pabida naman ang mga netizens sa uri at timpla ng longganisa na bet nila

Mahilig sa pagkain ang mga Pilipino. At kung usaping pagkain ang pag–uusapan, marami ang natakam sa isang larawan na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng longganisa–isang uri ng processed meat na kadalasang ipinapareha sa sinangag o fried rice. Iba–iba ang timpla nito batay sa lalawigan.

Ang naturang larawan ay ibinahagi ng netizen na si Jay Domingo Ramos sa Facebook page na “Memories of Old Manila.” Tanong niya: “Have you tried the different types of longganisa around the Philippines?” Makikita sa larawan ang mga longganisa mula sa Cabanatuan, Alaminos, Cebu, Vigan, at Lucban.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila / Public Domain Image

Natakam naman dito ang mga netizens.

“Masarap ang longganisa sa Cebu, matamis ang timpla, good when broiled… sarap din yung sa Lucban, maraming bawang. Okay silang lahat, question lang, kaya ba ng budget mo lalo na sa big family,” turan ng isa.

Pagbabahagi naman ng isa, “Their tastes are almost the same (garlic, salt and pepper ) except for Cebu’s which is sweet and oily. I like Cabanatuan and Lucban.”

“Isama na rin diyan yung sa Pampanga, plus may mga new players na rin na longganisa ang ibang mga lugar like Adobo Longaniza ng Tagaytay,” bulalas naman ng isa.

“Gustong-gusto ko ang longganisa. Madalas namin itong ulam noon, lalo na ang Vigan Longganisa. Para sa akin, mas masarap ang longganisa kapag maraming paminta, at isinawsaw sa bagoong at sukang maanghang,” sabi ng isa.

Pamana sa atin ng mga Espanyol ang longganisa o “longaniza” nang sakupin nila ang Pilipinas. Sa Ingles, tinatawag itong “Spanish sausage” katumbas ng embotido. Ito ay timpladong giniling na karne ng baboy na pinagsama-sama sa proseso.

Public Domain Image

Patok na patok din sa marami ang “Longsilog” o longganisa, sinangag at itlog na paboritong pagkain sa mga kainan. Sa Vigan na kapital ng Ilocos Sur, ipinagdiriwang naman nila ang “Longganisa Festival” tuwing Enero ng taon.

Ikaw, anong timpla ng longganisa ang ibibida mo?

Loading…