NCRPO chief Debold Sinas sasampahan ng PNP ng kaso dahil sa mañanita controversy

  • Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na kakasuhan ng PNP si NCRPO chief Sinas
  • Humingi ng permiso ang PNP sa Office of the President bago sampahan ng kaso si Sinas dahil isa itong presidential appointee
  • Nanawagan si Roque sa publiko na isumbong sa DILG ang mga taong gobyerno na lumalabag sa quarantine guidelines

Inanunsyo ng Malacañang Palace na magsasampa ng kaso ang Philippine National Police (PNP) ng mga kasong kriminal kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major General Debold Sinas at iba pang senior police officers na sangkot sa mañanita controversy.

Imahe mula sa PIO NCRPO

Sa pagsisiwalat na ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi niya na nakausap niya si PNP chief General Archie Gamboa na nagsabing nakahanda nang isampa ang mga kaso laban sa mga opisyal ng PNP na lumabag sa quarantine protocols sa ginanap na selebrasyon ng kaarawan ni Sinas.

“Per my latest conversation with Philippine National Police Chief PGen. Archie Gamboa, a criminal case is now being readied to be filed tomorrow against NCRPO Chief Debold Sinas, along with other senior police officials who attended the gathering,” pahayag ng tagapagsalita ng Pangulo.

Dagdag pa ni Roque, humihingi ang PNP ng clearance mula sa Office of the President (OP) bago samapahan ng kaso si Sinas dahil isa itong presidential appointee.

“Maj. Gen. Sinas is a third level officer and a presidential appointee; hence, a clearance from the OP is needed for the filing of administrative charges of the PNP. The same applies to the senior police officials who are also presidential appointees,” wika ni Roque.

Imahe mula sa NCRPO Facebook page

Sinabi  pa ni Roque na inatasan na ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang PNP-Internal Affairs Services na padalhan siya ng kopya ng resulta ng isinagawa nitong imbestigasyon hinggil sa kontrobersyal na birthday celebration ni Sinas.

“Inatasan na po niya (Medialdea) ang Internal Affairs Services ng PNP na mag-conduct ng imbestigasyon at i-forward sa kanyang tanggapan na mismo kung ano ang resulta ng imbestigasyon.

Imahe mula sa NCRPO Facebook page

Nanawagan si Roque sa publiko na kung may nalalamang paglabag sa quarantine protocols ang mga taong gobyerno ay ipagbigay-alam sa Department of Interior and Local Government upang maaksyunan.

“Kung mayroon po kayong mga reklamo sa mga taong gobyerno na lumalabag sa quarantine protocols natin, iparating ninyo po sa DILG. Aaktuhan po iyan dahil seryoso po tayo: Quarantine po, iyan lang ang pamamaraan para mapabagal ang pagkalat ng sakit and of course we will lead by example,” aniya.

Bukod kay Sinas, ang alkalde ng Sto. Tomas, Pangasinan na si Mayor Timoteo Villar III ay lumabga din sa quarantine protocols nang magdiwang siya ng kaarawan noong May 6.

Screenshot mula sa video ng Vdd Konstrak NSupplies

Kumalat sa social media ang video at larawan ng selebrasyon kung saan nakitang maraming dumalo sa kanyang kaarawan kabilang ang ilang pulis. Bukod sa pagsuway sa pagbabawal sa mass gathering, nakitang walang face mask ang alkalde, kinamayan pa ang mga bisita at hindi nasunod ang social distancing.

Loading…