Netizen binilang ang laman ng M&M’s at kinuwenta ang “probability” na makuha ito

  • Binilang ng isang netizen ang lamang chocolate candies ng isang sikat na chocolate product dulot ng pagkabagot
  • Matapos niyang bilangin ang laman nito at ibukod–bukod batay sa kulay, sinunod niyang ikuwenta ang probability na makuha ang bawat kulay nito
  • Umani naman ito ng pagkamangha mula sa mga netizens

Hanggang saan ka kayang dalhin ng pagkabagot mo?

Maraming nagagawang kakaiba at natutuklasan ang isang tao lalo na’t nababagot siya, lalo na sa panahon ng community quarantine. Gaya na lamang ng isang netizen na nagngangalang “Jan Aldwin Aspiras” kung saan napagtripan niyang bilangin ang laman ng 47. 9 gram pack ng M&M’s at nakuwenta pa ang probability na makukuha mo ang mga chocolate candies batay sa kulay. Ibinahagi niya ito sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Jan Aldwin AspirasM

“MAGBILANG TAYO NG M&M’s! Sa isang 47.9g pack ng milk chocolate variant ng M&M’s ay may 56 pieces ng chocolate candies. Heto ang breakdown ng 56: 16 green, 10 blue, 10 red, 9 yellow, 7 orange, at 4 brown,” ayon sa netizen.

Subalit hindi lamang iyan ang ginawa ng netizen. Kinuwenta rin niya ang probability na may makuhang bawat kulay.

“So sa isang pack ay merong 6 colors. Assuming na ganitong lahat ang bilang kada pack, ang probability na may makuhang bawat kulay ay: 28.57% green, 17.86% blue, 17.86% red, 16.07% yellow, 12.50% orange, at 7.14% brown.  Ngayong nabilang ko na lahat ng laman ng isang pack ng M&M’s, kakainin ko na,” ani Aspiras.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaskyon at komento mula sa mga netizens.

“Skittles na naman at Reese’s please!” pabirong mungkahi ng isa.

Turan naman ng isa, “Hindi mo naman siguro pagdidiskitahan ang Nescafe 3 in 1? Baka mamaya pati granules niyan eh ipagbukod–bukod mo pa! Hahaha.”

“Iba naman po pala! Hahaha. More of this please,” panghihikayat naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Jan Aldwin Aspiras / Public Domain Image

Si Jan Aldwin Aspiras ay 25 taong gulang at nagtatrabaho bilang isang Physical Therapist. Bata pa lamang ay kinakitaan na siya ng angking galing sa Agham at Matematika, lalo pa’t ang kaniyang ina ay isang guro sa asignaturang Matematika.

Loading…