Netizen gumawa ng thesis para sa ‘monthsary’ nila ng girlfriend

Imahe mula sa Facebook | Pixabay at Nicholai Silva
  • Pinag-uusapan ng netizens ang isang thesis na ginawa ng lalaki bilang regalo sa monthsary nila ng nobya
  • Pinamagatan niya itong ‘Nicholai loving Ysa: A study based on their beautiful profound relationship and why Nicholai loves Ysabelle so much’
  • Marami ang natuwa sa pakulo niyang ito at may ilan ding tila naging thesis adviser niyang nagpayo pa kung paano mas maiaayos ang thesis

Kinaaliwan ng netizens ang “thesis” na ginawa ng isang lalaki para sa kaniyang nobya bilang regalo nito sa kanilang 9th monthsary.

Imahe mula sa Facebook | Nicholai Silva

“Ysabelle, dahil mahal kita at miss ko nang gumawa ng thesis, ito,” ani Nicholai Silva sa post na ngayon ay may 39k reactions at 69k shares na…and counting!

Pinamagatan niya ang kaniyang thesis na “Nicholai loving Ysa: A study based on their beautiful profound relationship and why Nicholai loves Ysabelle so much.”

Sa Background of the Study ay ibinahagi ni Nicholai kung paano sila nagkakilala ng nobya. Kuwento niya, August 5, 2019 nang una silang mag-usap sa pamamagitan ng Facebook Messenger. August 27, 2019 naman daw nang maging opisyal na magkasintahan sila.

Mayroon din siyang Statement of the Problem, Assumption of the Study, Research Paradigm, Scope and Limitations, Significance of the Study, Review of Related Literature, at Reference.

Imahe mula sa Facebook | Nicholai Silva

Ang isang netizen, tinawag na modern version ng handwritten love letter ang ginawang ito ni Nicholai. “This is better than material gifts. So sweet. Sana all,” sabi ni R. Estacion.

Si G. Vaia naman, hindi raw maiwasang ngumiti habang binabasa ang thesis ni Nicholai. “Can’t stop smiling while reading this. Sana all,” ani G. Vaia.

Ang ilang netizens naman, nagbigay pa ng kanilang suhestiyon kung paano mas magiging epektibo ang kaniyang “thesis.”

“Title should be improved and simplified. Right now it’s complex. It should focus on either the foundation or the “why” and you can add additional questions on your statement of the problem,” ani Kyle P.

Anong palagay mo sa thesis ni Nicholai?

Source :

Facebook

Loading…