Netizen hindi na nga raw mapalad sa raffle, hindi pa rin mapalad sa ayuda

  • Idinaan sa biro ng isang netizen ang pagkadismaya sa hindi pagkakatanggap ng alinman sa mga ayudang pinansyal mula sa DOLE, DSWD at SSS
  • Isinisi niya ito sa kawalan ng suwerte pagdating sa mga raffle draw
  • Umani naman ito ng iba’t ibang mga komento mula sa mga netizens

Sabi nga sa isang kasabihan, “When it pours, it rains.” May mga taong sadyang bumabalong ang biyaya mula sa langit, habang may ilan namang naghihintay pa rin at patuloy na umaasang matatamo rin nila ang suwerteng matagal na inaasam–asam.

Kaya naman, idinaan na lamang sa biro at patawa sa Facebook post ng isang netizen na nagngangalang “James Patrick Ochoa Bartolazo” ang kaniyang pagkadismaya dahil hindi umano siya kuwalipikado alinman sa mga ayudang ibinibigay ng mga ahensiya mula sa Department of Labor and Employment o DOLE, Department of Social Welfare and Development o DSWD, at Social Security System o SSS.

Imahe mula sa Facebook account ni James Patrick Ochoa Bartolazo/Public Domain Image

Ayon sa post na maaaring hinaing din ng mas nakararami, “5,000 sa DOLE, 6, 500 sa DSWD, 8,000 sa SSS… Lahat iyan wala ako, hindi man lang ako nabunot, malas ko talaga sa raffle.”

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

“Sama–sama tayong walang nakuhang cash assistance from DOLE, DSWD, at SSS huhuhu ganoon nga yata talaga ang kapalaran ng tao,” sabi ng isa.

Pabirong turan naman ng isa, “Mahirap talagang makuha mga major prizes pero paniguro ko nakakuha ka ng consolation prize na relief goods sobrang malas mo kung wala ka pa rin niyan.”

“Ramdam kita pare. Actually ramdam ka naman namin. I’m so sure na marami naman tayo. Pero ang isipin mo na lang, baka talagang mga tao o pamilyang nangangailangan ang nakakuha, at talagang walang–wala na mapagkukunanan. Masuwerte ka pa rin kahit hindi sa raffle: yung hindi ka madapuan ng COVID–19 at pamilya mo ay malaking blessing na,” paalala naman ng isa.

Bulalas naman ng isa, “At least hindi ka man nakakuha ng isa sa mga iyan, hindi ka naman kinuha ni Lord. Magpasalamat ka humihinga ka pa, may another chance ka pa para magreklamo.”

Public Domain Image

Bagama’t may mga nabigyan na at may mga hindi, sinabi ng mga ahensiyang ito na may sinusunod silang guidelines o pamantayan sa pamamahagi ng kanilang mga ayudang pinansyal.

Loading…