Netizen ibinahagi ang dalawang akto ng kabutihang kaniyang nasaksihan

  • May dalawang akto ng kabutihan ang nasaksihan ng isang driver habang naghahatid–sundo ng mga healthcare workers
  • Masaya ang driver dahil hindi pa rin nawawala ang kabutihan sa mundo
  • Nagbigay umano ito ng inspirasyon sa kaniya

Habang hindi pa nawawala ang COVID–19 ay wala ring patid ang pagdagsa ng tulong sa mga nangangailangan at paglabas ng mga “Mabubuting Samaritano” na nagpapakita ng iba’t ibang akto ng kabutihan sa kanilang kapwa, anuman ang kanilang antas o kalagayan sa lipunan.

Itinampok sa “Bayan Mo Ipatrol Mo” ng ABS–CBN ang pagbabahagi ng isang driver ng DOTR free shuttle na si Michael Barcebal Narca kung saad dalawang araw na umano siyang nakasasaksi ng mga akto ng kabutihan, pagtulong, at pagmamalasakit sa kapwa habang naghahatid ng mga healthcare workers pauwi sa kani–kanilang bahay.

Imahe mula sa Facebook page ng Bayan Mo, Ipatrol Mo

Ang unang akto ng kabutihang nasaksihan niya ay noong Abril 29, pasado 7:00 ng gabi sa Sta. Cruz, Manila.

Isa umanong LTO Officer na kinilalang si Jose Acuavera, ang nagbigay ng kanyang kakainin sanang hapunan sa isang lalaki na nagkakalkal naman ng makakain sa basurahan na nasa lansangan.

Kinabukasan naman ng April 30 bandang alas 6:00 ng gabi sa Cubao, Quezon City, nasilayan niya ang isang Indian national na nakasakay sa motorsiklo at nagpapamahagi ng pera sa mga batang nanlilimos.  Aniya, “Napahanga ako sa ginawa niyang pagtulong… Una nakatitig siya at bigla niya nilapitan po.”

Hindi man siya ang direktang nakatanggap ng mga tulong na ito, humaplos naman ito sa kaniyang damdamin at nagdulot ng inspirasyon sa kaniya. Masarap umano sa pakiramdam na may mga ganito pang tao sa mundo, na sa gitna ng krisis ay nagkakaisa at nagtutulugan.

Umani naman ito ng magagandang komento mula sa mga netizens.

“Nakakatuwang marami pa talagang mabubuting Samaritano sa paligid. Kahit na maraming hindi magagandang nangyayari sa paligid, marami pa ring mababait at mapagmalasakit,” saad ng isa.

Imahe mula sa Facebook page ng Bayan Mo, Ipatrol Mo

Panawagan naman ng isa, “Dapat lahat matulungan, kawawa ang mga naghihirap, naghahangad din po sila na may matanggap, kahit ano.”

Nagbibigay ng inspirasyon ang kabutihan sa kapwa kaya sana ay dumoble at dumami pa ito!

Loading…