Netizen itinampok ang mga manika sa isang sagala

Imahe mula sa Facebook | Jasper Adorador
  • Nakaisip ng paraan ang isang netizen upang sa kabila ng umiiral na quarantine ay makasaksi pa rin ang mga Pilipino ng sagala mula sa kanilang tahanan
  • Gamit ang kaniyang mga disenyo ay binihisan niya ang mga manika na siyang itinampok sa sagala
  • Dagdag niya, umaasa siyang darating din ang panahon na muling maibabalik sa normal ang lahat

Tradisyon na ng mga Pilipino ang pagdaraos ng Santacruzan tuwing buwan ng Mayo pero bilang pag-iingat sa COVID-19 pandemic ay maaaring hindi muna ito maidaos ngayong taon.

I-click ang imahe para makita ang iba pang larawan

Ngunit ang netizen na si Jasper Jan Cariño Adorador, nakaisip ng paraan upang kahit paano ay matuloy pa rin ito — sa pamamagitan ng mga manika na siya mismo ang nag-disenyo ng mga suot na gown.

“We are now in the month of May. And I know that every Filipino is aware of what is widely celebrated during this month. May is the month of the Sagala or Flores de Mayo,” aniya sa isang post.

Kuwento niya, batid niyang marami ang naapektuhan at kinailangang mahinto habang nakikipaglaban pa ang maraming mga bansa, kabilang na ang Pilipinas, sa COVID-19.

“A lot of our usual actions have been restricted or prevented. And this is sad, really sad,” sabi ni Jasper na nasanay na raw na nag-aabang ng sagala.

Imahe mula sa Facebook | Jasper Adorador

“However, I believe that the tradition should continue despite our current situation,” paliwanag ni Jasper, kalakip ang video ng sagala ng mga manika. “So now, I am here to share my talent and collection, and bring Flores de Mayo into your homes. This, my friends, is my own take on this festive celebration that embraces beauty and hope!”

Dagdag niya, umaasa siyang darating din ang panahon na muling maibabalik sa normal ang lahat. Pero sa ngayon, paalala niya, “please stay at home, sit back, relax and enjoy the presentation.”

Panoorin dito ang sagala ng mga manika:

Loading…