Netizen may payo sa mga kabataan na mahilig sumunod sa kung anong ‘trending’ sa socmed

  • Nagpahayag ng saloobin ang isang netizen tungkol sa lumalaganap na mga hindi kanais-nais na larawan at pagsunod ng mga kabataan sa kung anong trending sa social media
  • Pinayuhan din niya ang mga kabataan tungkol sa posibleng magiging epekto ng kanilang social media posts sa paghahanap nila ng trabaho
  • Ayon pa sa netizen, concerned lamang siya sa mga kabataan kaya naman nais niyang pagsabihan ang mga ito tungkol sa ‘di tamang laging pagsunod sa mga nauuso online

Hindi napigilan ng isang netizen na maglabas ng saloobin tungkol sa karakarakarang pagsunod ng mga kabataan sa mga nauusong pose at gawain sa social media.

Imahe mula sa Pixabay

Sa post ng netizen na kinilalang si Jacklynne Lambino sa Facebook noong May 5, nagbigay ito ng mahabang pahayag at payo sa mga kabataan na mahilig sumunod sa kung ano ang nakikita nilang trending online.

“Di ko alam kung tumatanda na ba ako pero di ko gets ano na nangyayari sa mga kabataan. Nung panahon namin, takot na takot kami magpakita ng kahit anong kabastusan on and/or off social media,” aniya.

“Nakakalungkot ngayon at nagiging normal na lang. Ang sad isipin pero nasaan na ang mga magulang at gabay nila? Bakit hinahayaan na magka-ganito? Kung ako nag-ganyan, baka nilagay na ako sa sako ng magulang ko at pina-usukan,” dagdag niya.

Pinaalalahanan din niya ang mga kabataan tungkol sa posibleng magiging epekto ng kanilang social media posts sa paghahanap nila ng trabaho sa hinaharap.

“Wala ba kayong balak magtrabaho soon? Oo bata pa kayo pero later on, need ninyo din magwork. Di n’yo ba alam na sine-search muna kayo ng employer sa social media bago kayo i-consider at i-hire?” direktang tanong niya.

Pagpatuloy niya: “I’m all about women expressing themselves. Go, wear what you want, date who you want, and dance all you want. Pero there’s a thin line between entertainment and plain kalaswaan.”

I-click ang imahe para makita ang buong post

“You still deserve respect. Everyone deserves that. Pero isipin nyo lagi na 5-10 years from now, gusto n’yo bang makilala dahil ‘Ay, yan yung babaeng tumitirik mata.’”

“Don’t seek for validation. Wag n’yong hayaan na likes and shares ang magdikta sa buhay n’yo kaya lahat gagawin ny’o for that kahit maghuhubad-hubad man kayo.” sabi pa ni Jacklynne.

Ayon pa sa netizen, concerned lamang siya sa mga kabataan kaya naman nais niyang pagsabihan ang mga ito tungkol sa hindi tamang laging pagsunod sa kung ano ang uso online, lalo na kung isinaalang-alang nito ang dignidad at respeto sa sarili ng isang tao.

Source :

Facebook

Loading…