Netizen na “gigil much” sa kaniyang internet provider, kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang larawan
  • Makikita kasi rito ang isang taong may hawak na martilyo, na nais nang pukpukin ang modem ng internet dahil sa kabagalan
  • Marami naman ang “relate–much” dito

Sa panahon ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine, lubusang lumakas ang pagkonsumo at pangangailangan ng lahat sa paggamit ng internet. Maikokonsidera na ito bilang pangangailangan o necessity dahil ito ang kailangan ng mga taong nagtatrabaho sa bahay o “Work from Home”, gayundin ang pagpapanatiling updated sa mga balita kaugnay ng COVID–19.

Dahil sa dami ng mga taong gumagamit ng internet, may tendensiyang bumagal ito. Kinaaliwan tuloy ng mga netizens ang Facebook post ng nagngangalang “Aljohn” matapos niyang ibahagi ang larawan niyang may hawak na martilyo at handa nang pukpukin ang modem ng kaniyang internet provider dahil sa mahinang signal, o kabagalan nito.

Imahe mula sa Facebook account ni Aljohn Punzalan/Public Domain Image

Natawa naman ang mga netizens at tila nakaugnay sila sa pagka–”gigil–much” ng netizen.

Sabi ng isa, “Huwag naman… kawawa naman yung modem hahaha, lalo kang mawawalan ng internet sige ka. Why not tawag ka po sa customer service at baka sakaling maaksyunan o masolusyunan ang problema mo.”

“Hay naku, ganiyan din ang internet ko… mas mabagal pa sa pagong! Gusto ko na ngang ihagis sa pader para mawala na lang. Sa susunod, kapag wala na ang ECQ, magpapalit na ako ng internet provider!” bulalas naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Sa totoo lang mas malakas pa ang internet ko sa free data, o kaya yung mga promo na puwedeng mapurchase sa prepaid text. Sulit na sulit pa. Kahit manood ng YouTube videos, walang loading o hanging na magaganap. Shift na tayo sa kalaban! Hahaha.

Ayon sa estadistika, isa sa mga lahing mahilig sa paggamit ng internet, lalo na sa social media ang mga Pilipino. Aminado naman ang NTC o National Telecommunications Commission na talaga namang may kabagalan ang internet sa Pilipinas. Iyan ang panawagan ng marami: na mapabilis pa ito bilang paghahanda sa mga transaksyong online kaugnay ng ipinapanukalang “new normal”.

Imahe mula sa Facebook account ni Aljohn Punzalan/Public Domain Image

Loading…