Netizen nanawagang gawan ng musical play ang mga kanta ni Gloc-9 at iba pang mga awiting OPM

  • May mungkahi ang isang netizen matapos maging patok ang “Ang Huling El Bimbo” musical
  • Sana raw ay magawan din ng musical play ang mga awitin ng sikat na rapper na si Gloc–9
  • Binanggit din niya ang iba pang mga local band/artists na may magagandang awiting posibleng maging materyal sa mga susunod na musical play

Kamakailan lamang ay naging trending at usap–usapan ang re–run sa online platforms ng musical play na “Ang Huling El Bimbo” nitong Mayo 8 at 9, 2020 na may pahintulot na maipalabas sa pamamagitan ng ABS–CBN Entertainment, para sa kanilang kampanyang “Pantawid ng Pag–ibig” na nagpapaabot ng tulong sa mga pamilya at indibidwal na lubusang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine dulot ng COVID–19.

Ang musical play na ito ay nagtatampok sa mga sumikat at walang kamatayang awitin ng bandang Eraserheads na pinamumunuan ni Ely Buendia. Bukod dito, ginamit na rin ang mga hit songs ng Aegis sa musical play na “Rak of Aegis”. Kaya naman isang netizen na nagngangalang “JM Berdera” ang nanawagan sa kaniyang Facebook post na sana raw ay magawan din ng musical play ang mga awitin ng sikat na rapper na si Gloc–9.

Imahe mula sa Facebook account ni JM Berdera

Ayon sa kaniyang post, “Petition para gawan ng isang musical ang mga kanta ni Gloc–9, centering around his iconic song “Upuan”.

Ang awiting “Upuan” ay may himig–sosyo–politikal sapagkat ang upuang tinutukoy rito ay ang trono o posisyon sa pamahalaan. Ayon nga sa isa sa mga pamosong linya nito, Kayo po na nakaupo, Subukan n’yo namang tumayo, At baka matanaw, at baka matanaw na n’yo ang tunay na kalagayan ko…

Bukod sa awiting ito, sa hiwalay na Facebook post ay binanggit din ng netizen ang iba pang mga awitin ni Gloc–9 na may himig sosyo–politikal tulad ng Magdalena, Sirena, Lando, Elmer at Walang Natira, na pawang magagandang materyal para sa isang posibleng musical play.

Buod sa mga awitin ni Gloc–9, maaari din umanong gawing musical play ang awitin ni Bamboo na “Tatsulok” na magpapakita naman ng panahon ng Batas Militar sa panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Binanggit pa niya sa isa pang Facebook post ang iba pang mga local bands at artists na may magagandang mga awitin at maaaring pagpiliang materyal sa mga susunod na musical play gaya ng Silent Sanctuary, Spongecola, December Avenue, Rivermaya, Parokya ni Edgar, at marami pang iba.

Public Domain Image

“Imagine na lilipad ang quality performance na mga ganito hanggang broadway o o magiging broadway-class na tatangkilikin maging ng mga kabataan the way we patronize watching movies in the cinemas and series on Netflix,” aniya.

Dagdag pa niya, “It could usher an age worthy of being noticed by the government. And by then, who knows? Baka ito na yung tiket na hinihintay natin na maging Korean or Hollywood-level yung mga ipapalabas sa atin. Baka ito na yung susi para i-overhaul yung TV experience natin na quality at hindi ratings ang basehan.

Huling mensahe niya: “Panahon na para sa panibagong simula ng industriya ng pag-arte sa bansa.”

Public Domain Image

Anong masasabi mo tungkol dito?

Loading…