Netizen napansin at itinampok ang mga designer shoes ni Jessica Soho

  • Hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng isang netizen ang mga designer shoes ni Jessica Soho
  • Inisa–isa niya ito at sinaliksik ang mga presyo sa piso
  • Deserve na deserve daw ito ng batikang journalist, at hinamon pa itong itampok sa kaniyang news magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Soho”

Isa sa mga premyado at iginagalang na batikang journalist ng GMA “Kapuso” Network si Jessica Soho. Pagdating sa pagbabalita at investigative journalism, talaga namang tinitingala ito, patunay ang iba’t ibang mga gantimpala mula sa local at international award–giving bodies. Minsan, hindi napapansin ang kanilang magagarang kasuotan dahil nakapokus ang mga manonood sa balitang kanilang inilalahad.

Subalit hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng isang netizen na nagngangalang “Nelson Adrian” ang mga designer’s shoes ni Jessica Soho, na isinusuot niya sa kaniyang mga tv news programs gaya ng “24 Oras” at “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Ibinahagi niya ito sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Nelson Adrian

“Kween Jessica Soho’s Shoe Look Book. Brands + Price Tag (Philippine Peso). Break muna tayo sa K-Drama Fashion Look Books mga bes hahaha. Since marami ang curious, I’ve decided to compile last night some of Kween Jessica’s notable shoes . I’m 101% sure wala pa ito sa kalingkingan of her collection. Pinaghirapan niya lahat nang ito kaya super deserve niya lahat ng blessings!” ayon sa caption.

Hamon pa niya kay Jessica, “So madam, magpa–shoe closet tour ka soon sa Kapuso Mo, Jessica Soho! STAN AND PROTECT KWEEN JESSICA SOHO AT ALL COSTS!” Kaya naman, inilatag niya sa post ang mga larawan nito at gumawa ng sariling pananaliksik sa tunay na presyo ng bawat isa, batay sa website ng mga ito.

Isa–isahin natin mula sa pinakamura hanggang sa pinakamahal, batay sa pananaliksik ng netizen. Nariyan ang Black Matter Claude Open-toe Mid-heel pumps na may presyong 37,365.85 piso at Simple Pump 85 mm na may presyong 35,104.80 piso mula kay “Christian Louboutin.”

Syempre, hindi rin mawawala ang brand na “Chanel.” May Goatskin and Grosgain Two Tone (Beige and Black) Slingbacks si Jessica na nagkakahalagang 44,083.75 piso.

Imahe mula sa Facebook account ni Nelson Adrian

Mula naman sa brand na “Valentino,” nariyan ang rockstud caged pump 65 mm in Black na nagkakahalagang 47,533.97 piso, at kulay Poudre Color na may presyong 50,300.50 piso. Mayroon din siyang Tribute Platform Sandals in Patent Leather mula sa “YSL” na nagkakahalagang 53,408.24 piso.

At ang pinakamahal sa kaniyang mga designer’s shoes na napansin ng netizen na pagmamay–ari ni Jessica ay ang Hangisi Satin Jewel Buckle Pumps in Black at Champagne color na parehong likha ng brand na “Manolo Blahnik” na nagkakahalagang 70,169.20 piso.

Ayon sa naturang netizen na masugid na tagahanga ng batikang journalist at anchor, “Super deserve talaga ni Jessica lahat ng blessings! Thank you for all your hard work, Kween Jessica! STAN JESSICA SOHO!”

Sa husay at dedikasyon ni “Kween Jessica Soho” sa kaniyang larangan, talaga namang deserve na deserve niya ang lahat ng ito!

Public Domain Image
Source :

Facebook, PEP, Preview, MSN

Loading…