Netizen natakot sa “True of False” Math exam sa kolehiyo

  • May biro ang isang mag–aaral na netizen
  • Natakot kasi siya sa “True of False” na uri ng pagsusulit para sa asignaturang Mathematics sa kolehiyo
  • Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga kapwa–netizens

Kung tatanungin ang mga mag–aaral mula noon, at marahil hanggang ngayon sa kung anong mga asignatura sa elementarya, hayskul, at maging sa kolehiyo ang kanilang pinakaiiwasan o pinakakinatatakutan, tiyak na mangunguna sa listahan ang asignaturang Mathematics. Marami kasi ang aminadong ito ang kanilang “Waterloo” o kahinaan.

Kaya naman, isang netizen na nagngangalang “Jhayvon Gordon” ang nagpahayag sa kaniyang Facebook post na kung dati raw ay gusto niya ang “True of False” na uri ng pagsusulit, ngayon daw ay tila hindi na dahil sa klase ng pagkakagamit nito para sa pagsusulit ng isang paksa sa Matematika na inaaral sa kolehiyo.

Imahe mula sa Facebook account ni Jhayvon Gordon

Ayon sa kaniyang caption,”Dati gusto ko yung True or False… Pero ngayon nakakatakot na.”

Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens. “Relate–much” kasi sila.

Pagbibida ng isa, “Parang wala lang ‘to sa akin. Sa sobrang easy hindi ko napansin na mayroon kaming subject na ganyan hahaha.”

“Naalala ko umiiyak ako noon kasi hindi ko gets ang mga turo ng General Math teacher namin noon, kaya tinawagan ko agad ang classmate ko para magpa-help tapos pumunta naman siya kaagad sa bahay para i-tutor ako. Tapos isa ako sa highest noong quiz na iyon (line of 9 din prelim grade). Ngayon asawa ko na siya hahaha,” pagbabahagi naman ng isa.

Kuwento naman ng isa, “Kapag Math na namin, parang humihilab ang tiyan ko na hindi ko maintindihan, parang may lumilipad na butterfly. Tapos ang bilis pang magsalita ng prof namin, slow na nga ako sa subject, hindi ko pa ma–catch up ang mga sinasabi niya.”

“Ako, masuwerte ako kasi magagaling ang mga naging Math teachers ko. Sila ang nagpaunawa sa akin na hindi dapat katakutan ang pagkatuto ng Math, dapat walang stigma na mahirap ang subject na ito. In fact, we really have to learn Math kasi essential ito sa ating everyday living.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jhayvon Gordon

Kahit anong iwas natin, hindi natin maaalis ang Mathematics sa ating pang–araw–araw na pamumuhay. Simula pa lamang sa pagmulat ng ating mga mata (pagtingin sa oras), pagtungo sa paaralan, trabaho, o alinmang destinasyon (pagbibilang ng pamasahe) hanggang sa pag–uwi o pagbalik sa tahanan ay kaakibat natin ito.

Samantala, ang True or False naman o Tama o Mali sa Filipino ay isang uri ng pagsusulit na susukat sa kabatiran at pagsusuri ng isang mag–aaral batay sa mga factual na kaalaman.

Loading…