Netizens naaliw sa isang aso na tila nagpapasalamat sa natanggap na ayuda

Imahe mula sa Facebook | Furr Station
  • Ikinatuwa ng netizens ang larawan ng isang aso na tila nakangiti sa camera
  • Ito ay matapos na mabigyan ng ayuda ang isang lola na kasama niya sa bahay
  • Marami ang nagsabi na ‘priceless’ ang ngiti ng aso na tila nagpapasalamat sa biyayang natanggap

Naaliw ang netizens sa larawan ng isang senior citizen at kaniyang aso na tila nagpapasalamat sa natanggap nilang relief goods mula sa isang grupo.

Imahe mula sa Facebook | Furr Station

“A beautiful smile from doggo and lola that says thank you after receiving relief goods,” sabi ng Furr Station sa kanilang Facebook post.

Marami ang natuwa dahil sa priceless na reaksyon ng aso nang may matanggap na tulong ang kasamang lola. Sa kasalukuyan ay may mahigit 36k reactions at 27k shares na ang larawang ito.

“Priceless smiles from doggie and Nanay,” komento ni C. Cornejo. Si Mel D. naman sinabing tila iniimbitahan siya ng aso na pumasok sa loob ng larawan upang yakapin ito.

Sabi ng netizen na si J. Alao, naisip daw siguro ni doggie na may pagkain na rin siya kaya naman tila nagpapasalamat din ito sa nag-abot ng tulong sa kanila. “The dog is also thankful…that is the smile of a truly grateful individual,” sabi naman ni Ronald T.

Si Nicole F. naman, nagbahagi ng larawan ng kaniyang aso na tila hindi masaya. “Buti pa sa inyo, naka-smile. Yung aso ko mukhang hindi yata nakatanggap ng ayuda kaya ganiyan,” aniya.

Imahe mula sa Facebook | Furr Station

“Happy doggo. Kahit hindi niya alam kung anong nangyayari sa mundo, nasa isip pa rin niya na magpasalamat,” saad naman ni E. Sabado.

Ang ilang netizen naman, hiniling na sana ay huwag itali ang aso upang hindi ito masakal.

“I suggest po sa mga may alagang aso riyan, ‘wag ni’yo pong palaging itali para makagala o makatakbo man lang. Make sure lang na i-secure para walang makakagat,” dagdag ng isa pang netizen.

“He is cute and has a lovely smile. But sad to see that he is tied. Dogs just need proper training. No need to tie them,” sabi ni Aiza D.

Source :

Facebook

Loading…