New normal din kahit sa mayayaman: Facebook CEO Mark Zuckerberg, nagpagupit na rin sa asawa niya ngayong lockdown

  • Ibinahagi ng Facebook CEO ang ginawang haircut sa kanya ng misis na si Prescilla Chan
  • Ayon sa kanya, kung gaano katagal ang lockdown ay ganoon na rin siya katagal na walang gupit
  • Dahil dito, sabi ng mga netizens, kahit daw talaga mayaman ka ay mapipilitan kang gawin ang new normal

Ngayong may pandemyang kinahaharap ang mundo, maraming napagtanto ang mga netizens. Isa sa mga ito ay pagkakapantay-pantay ng mga tao. Ayon sa ilan, ngayon mo raw masusukat na sa panahong may krisis, hindi mahalaga ang mga luho at sosyal na bagay. Lahat ay makukul0ng sa kani-kanilang bahay kahit gaano man karami ang pera mong pangbiyahe sa iba’t ibang lugar.

Ganito marahil ang dahilan kung bakit trending ang Facebook post ng mismong founder at CEO ng Facebook na si Mark Zuckerberg. Naramdaman kasi ng mga netizen na kahit isa siya sa mga pinakamayayamang tao sa mundo, sa panahong ito ay kaisa siya sa mga gagawa ng new normal.

Larawan mula sa Facebook post ni Mark Zuckerberg

Ibinahagi kasi niya ang larawan niya habang ginugupitan ng kanyang misis na si Prescilla Chan. Ayon kay Zuckerberg, dahil daw sa lockdown, dalawang buwan na siyang hindi nakapagpapagupit. At bilang uso naman ang pag-aala barbero ng mga misis ngayon, walang choice ang mag-asawa na subukan ang ‘new normal.’

“New normal: This lockdown is officially two haircuts long,” pahayag ni Zuckerberg sa kanyang trending post na umabot lang naman sa higit 821,000 ang reactions, 94,000 ang comments, at 47,000 ang nakuhang shares.

Dahil dito, napakomento ang marami na kahit ang pinakamayang tao sa mundo ay hindi makapagpagupit man lang sa mga barbero at hindi makalabas para sa kanyang personal grooming na kung tutuusin ay sisiw sa mga malalaki ang kita.

“One of the richest men gets haircut from his wife. This is real people,” sabi ng isang netizen sa ibinhaging larawan ng Facebook CEO.

Larawan mula sa Facebook post ni Mark Zuckerberg

Dahil din sa pandemya, simple lang din ang naging selebrasyon nina Zuckerberg ng kanyang kaarawan noong May 14 at ng Mother’s Day noong May 10. Isa ring patunay na kahit kaya mong magdaos sana ng malaking selebrasyon, ay hindi muna sa ngayon dahil sa pandemya.

Sa kabila ng pandemya, patuloy din ang pagtulong ng mag-asawang Zuckerberg. Kamakailan ay inanunsiyo nilang gumagawa sila ng isang single-use ventilators para sa mga tinamaan ng C0VID-19 at isang research project para sa mga impormasyon tungkol sa pandemya.

Loading…