New Normal: Heart Evangelista inihahanda na ang mga pangmalakasang OOTD

  • Dulot ng COVID-19, magiging bahagi na ng ‘new normal’ ang pagsusuot ng face mask, face shield, at gloves
  • Ito rin ang pinaghahandaan ng fashionista at aktres na si Heart Evangelista kung saan nag-iipon na siya ng mga pang-OOTD niya
  • May mga damit na rin siyang pino-promote na pang personal protective equipment (PPE) ang disenyo

Kasama sa “new normal” ang pagsusuot ng face mask, face shield, at gloves. At para sa fashionistang si Heart Evangelista, kailangang nakasunod ang mga ito sa kaniyang outfit of the today (OOTD).

Katunayan, sineseryoso na niya ang paghahanda para sa kaniyang mga OOTD.

Imahe mula sa Facebook post ni Heart Evangelista

“Prepping for the new normal life with face masks,” ayon sa isang latest Instagram post ng aktres.

Gamit ang #TheNewNormalWithLoveMarie, makikita ang magagandang disenyo ng face mask, face shield, at gloves na pinagawa o binili niya online. Maging ang kaniyang mga damit ay pang-personal protective equipment (PPE) din.

“The new normal featuring the PPE made by my cousin Madelaine Ongpauco Barlao and the DIY Chanel Official mask I made,” ayon sa isa pang Instagram post ng aktres.

Kahit naka-face mask, lutang na lutang pa rin ang eleganteng aura ng misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Ang mga post ni Heart gamit ang #TheNewNormalWithLoveMarie ay sumasalamin na rin sa future fashion industry.

“The Armor Project is amazing, Mark Bumgarner! Thank you also to Orline Shop for this mask,” ayon pa sa isang Instagram post ni Heart.

May mga na-inspire sa fashion statement na ito ng aktres.

“Good job, Heart, for inspiring people to dress safely and creatively,” ayon sa isang netizen.

“This is beyond normal, loving it,” ayon naman sa isang komento.

Imahe mula sa Facebook post ni Heart Evangelista

“Kahit ano pa ang isuot ng batang ito, napakaganda. She is really an icon,” nakatutuwang komento ng isa pa.

Hindi lamang sa pananamit at pustura maganda si Heart. Busilak ang kaniyang kalooban sa pagtulong sa kapuwa, maging sa mga hayop.

Loading…