‘New normal’ wedding ng magkasintahan, hinangaan ang ka-simplehan

Imahe mula sa Facebook | Mikee Amazona
  • Tanging immediate family members at isang ninong at ninang lamang ang nakasaksi ng kasal ng isang magkasintahan sa Lipa, Batangas
  • Ito ay bilang pagsunod sa social distancing guidelines at pag-iwas sa mass gathering
  • Marami namang netizens ang naka-appreciate sa solemnity ng kasal na tanging pinakamahahalagang tao sa buhay ng ikinasal lamang ang nakasaksi

Bilang pagtalima sa social distancing guidelines at upang maiwasan ang mass gathering ay immediate family members at isang ninong at ninang lamang ang dumalo sa isang kasal sa Lipa City, Batangas.

Imahe mula sa Facebook | Mikee Amazona

Ibinahagi ng events coordinator na si Mikee Amazona ang mga larawan mula sa kasal nina Mark Arvin at Jean Carla sa St. Anthony de Padua Church noong May 22.

“The wedding was composed only of 10 people excluding the priest and the commentator. It was so intimate. It was bittersweet,” ani Mikee.

Maraming netizens naman ang naka-appreciate sa solemnity ng simpleng kasal na ito.

Dahil naman kakaunti lamang ang makadadalo ay tinawag ito ni Dominic C. na “biggest saving you will ever get.” “Makabibili na kayo ng condo sa natipid ninyo. Time to get married,” biro niya pa.

Imahe mula sa Facebook | Mikee Amazona

Dagdag ni S. Caseria, bukod sa mas matipid ay less stress din ang preparasyon para sa mga ikakasal.

Hindi man makadadalo ang ilan pang mga kaanak at kaibigan ay naroon naman daw ang mga pinakamahahalagang tao sa buhay ng ikakasal. “The wedding will still be special with the people closest to our hearts. Congratulations! Blessings from our parents and from the Lord are the most important,” ani Maolen S.

“Why not? Ang mahalaga ay yung blessing ni Lord at yung satisfaction and happiness dahil iisa na sila ngayon,” komento ng isang netizen.

“Malungkot mang isipin na hindi matupad ang inaasam-asam at pinagplanuhang kasal, ang pinakamahalaga dito ay makasal ang isa’t isa kahit ano man ang mangyari,” sabi naman ni Mil Arcayera.

Congratulations on your “new normal” wedding!

 

Loading…