“Next essentials” tulad ng damit, appliances, hardware maaari nang ipa-deliver sa ECQ areas – DTI

  • Pinapayagan na ng DTI ang delivery ng mga “next essential products” sa ECQ areas
  • Itinuturing na “next essentials” ang mga damit, appliances, hardware products, veterinary products at housewares
  • Ang ECQ ay pinalawig sa Metro Manila at ibang lugar sa Luzon hanggang Ika-15 ng Mayo

Pinapayagan na ng Department of Trade and Industry (DTI ) ang delivery ng mga produktong tinawag ni DTI Secretary Ramon Lopez na “next essentials” sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine (ECQ).

Screenshot mula sa PTV video

Noong una ay mga pagkain, disinfectants, medical supplies  at iba pang pangunahing pangangailangan lang ang pinapayagang mai-deliver sa ilalim ng Luzon-wide ECQ mula noong Ika-17 ng Marso hanggang sa ika-30 ng Abril.

Sabi ni Sec. Ramon Lopez, dahil pinalawig ang ECQ sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon hanggang sa ika-15 ng Mayo, nakita ng pamahalaan na kakailanganin na rin ng mga mamamayan ang mga tinatawag na “next essentials.”

“Even under the ECQ, we have expanded items that can be delivered. Since nag-extend po ang ECQ, we recognize that many of our kababayans will be needing more items beyond the essentials, so we are going to the next essentials,” aniya.

Kabilang sa itinuturing na next essential products ang mga kasuotan, appliances, hardware products, housewares at veterinary products.

“’Yung dating food and disinfectants, now we have included hardware products, vet food products, clothing pati po housewares and appliances dahil baka kailangan palitan ang appliances ina-allow po sa delivery mode,” sabi ni Sec. Lopez.

Ang ECQ ay pinalawig sa buong Metro Manila at ibang karatig-pook hanggang sa ika-15 ng Mayo,

Screenshot mula sa PTV video

Loading…