No dentist, no problem: Yasmien Kurdi ipinakita ang pagbunot sa umuugang ngipin ng anak

Imahe mula sa Facebook | Yasmien Kurdi
  • Ibinahagi ni Yasmien Kurdi at asawang si Rey Soldevilla Jr. ang ginawa nilang paraan upang mabunot ang umuugang ngipin ng anak
  • Dahil walang dentist ay itinali nila ang ngipin saka ito hinila
  • Maraming netizens ang naka-relate dito dahil ganito raw ang paraan ng pagbunot ng ngipin noong sila ay bata pa

Naranasan mo bang itali at hilahin ang umuuga nang ngipin?

Imahe mula sa Facebook | Yasmien Kurdi

Dahil sarado karamihan ng dental clinics ngayon ay kinailangang hilahin nina Yasmien Kurdi at asawang si Rey Soldevilla Jr. ang gumagalaw nang ngipin ng kanilang anak na si Ayesha.

“Kailangan nang i-pull kasi nag-bi-bleed na yung tooth niya. Hindi rin naman natin siya madadala sa dentist so wala tayong choice kung hindi tayo na yung mag-pull ng tooth,” paliwanag ni Rey. “Baka kapag natulog siya, ma-swallow niya yung ngipin niya.”

Sabi ni Yasmien, hindi naman ito ang unang pagkakataon na gagawin nila ito at maging sila ay naranasan ito noong sila ay mga bata—itinali raw noon ng sinulid ang ngipin ni Yasmien, ikinabit sa pinto, saka ito hinila; si Rey naman ay itinali rin ang ngipin at hinila ito habang natutulog siya.

“I bit this part of the apple then I started feeling that my tooth was wiggly so I stopped para maybe my tooth is going to tanggal na,” kuwento ng Ayesha.

Imahe mula sa Facebook | Yasmien Kurdi

Aminado ang bata na kinakabahan siya ngunit may tiwala raw siya sa ama.

Bumilang si Ayesha ng 1 hanggang 30 ngunit hindi pa raw siya handa, kaya muli silang bumilang hanggang 10 at naging matagumpay naman ang pag-alis ng ngipin niya.

Sa comment section ng video nilang may halos 70k reactions at 2k shares na ay ibinahagi ng netizens na maging sila ay ganito ang ginagawang diskarte sa mga anak lalo na sa gitna ng quarantine.

Ang ilan naman, binalikan ang karanasan nila sa ganitong paraan ng pagbunot ng ngipin.

“Relate. Ganiyan din ginagawa ng Papa ko when I was a kid,” sabi ni M. Nacor.

Panoorin dito ang video:

Source :

Facebook

Loading…