Nostalgic pampalamig: Childhood favorite sweets na Haw Haw Milk Candy at Choc-Nut, ice cream flavors na

  • Ganap nang ice cream flavors ang mga sikat na sweets noon na Haw Haw Milk Candy at Choc-nut
  • Mabibili ito sa 1.5 liters tub na likha ng The Lost Bread at Arce Dairy Ice Cream
  • Sa ngayon, sa delivery lang muna ito mabibili pero hiling ng fans, sana ay maging available rin sa groceries 

Ngayong patuloy na maalinsangan ang panahon, maraming Pilipino ang kumakapit sa mga klasiko at makabagong pagkaing pampalamig. Nariyan ang sikat na sikat na milk tea at dalgona coffee, habang paborito pa rin ng ilan ang Pinoy dessert na haluhalo.

Pero sa lahat, hindi mawawala ang pagkahilig natin sa ice cream. Mula sa mga ordinaryong flavors hanggang sa mga espesyal ay talaga namang nakapapawi ng init at nakapepresko sa pakiramdam. Ngunit ngayon, ang ice cream flavors ay hindi lang pampalamig kung hindi isang pang malakasang thr0bwback na rin.

Larawan mula sa Facebook page na The Lost Bread

Inanunsiyo ng sikat na dessert store na The Lost Bread na mabibili na sa kanilang branches ang pinakabagong flavors nila na hango sa mga sikat na pagkain noong kabataan natin, ang Haw Haw Milk Candy at Choc-Nut.

Sa isang Facebook post, sinabi ng The Lost Bread na ang mga kending ito mga ice cream flavor na sa pangunguna ng sikat na ice cream brand na Arce Dairy. Matitikman ang milky goodness ng Haw Haw ice cream at ang masarap na kombinasyon ng peanut at chocolate ng Choc-Nut sa pamamagitan ng delivery.

Maaari nang i-deliver sa Kamaynilaan ang 1.5 liter tub ng mga nostalgic ice cream flavors sapamamagitan ng Grab, Lalamove, at Angkas o anumang food delivery service na available sa kanilang lugar.

Nagkakahalagang P750 ang bawat isang tub. Available rin sa The Lost Bread ang isa pang flavor na Blue Vanilla na nagkakahalaga naman ng P650. Ikinatuwa naman ng mga batang 90s at 2000s ang masarap na paandar na ito.

Larawan mula sa Facebook page ng Haw Haw Milk Candy

Sabi nila, mas masarap na raw ang pampalamig nila ngayong summer dahil lasang alaala ng kabataan ang mga bagong flavors. Excited na rin daw silang matikman ang mga ito. Sana rin ay mabili na raw ang mga ice cream flavors na ito sa mga supermarkets.

Umaasa rin ang mga netizens na mas maraming nostalgic flavors pa ang ilalabas ng The Lost Bread at Arce Dairy para naman mas malawak daw ang kanilang pagpipilian.

Loading…