NTC pinagpapaliwanag ng House panel sa cease and desist order nito sa ABS-CBN

  • Pinagpapaliwanag ng House Committee on Legislative Franchises ang NTC sa shutdown order nito sa ABS-CBN
  • Inatasan ng House panel ang NTC na magpaliwanag sa loob ng 72 hours
  • Labingtatlong senador naman ang naghain ng resolusyon na humihikayat sa NTC na i-reconsider ang cease and desist order nito sa ABS-CBN

Pinagpapaliwanag ng House Committee on Legislative Franchises ang mga opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC) kung bakit hindi sila dapat sampahan ng contempt citation kasunod ng  cease and desist order nito sa ABS-CBN.

Imahe mula sa House of Representatives

Sa order na may petsang May 11, 2020, inatasan ng House panel ang NTC na magpaliwanag sa loob ng 72 hours.

“The act of NTC constitutes undue interference on and disobedience to the exercise of the power of the House of Representatives, and therefore, an affront to its dignity and an inexcusable disrespect of its authority,” saad ng order.

Ang order ay naka-address kina NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, Deputy Commissioners Edgardo Cabarios at Delilah Deles, at kay Atty. Ella Blanca Lopez, head NTC legal branch.

Matatandaang tumigil ang broadcast operations ng ABS-CBN noong ika-5 ng Mayo kasunod ng cease and desist order ng NTC.

Hindi bababa sa 11 bills ang nakahain sa House of Representatives ng 18th Congress upang palawigin ang prangkisa ng ABS-CBN ng panibagong 25 years matapos mag-expire iyon sa ika-4 ng Mayo 2020.

Screenshot ng order ng House Committee on Legislative Franchises sa NTC

Noong March 10, 2020 ay nagkaroon ng deliberasyon ang House committee hinggil sa prangkisa ng TV network kung saan nangako umano si Commissioner Cordoba na bibigyan nito ng provisional authority ang ABS-CBN upang patuloy na makapag-operate habang wala pang aksyon ang Kongreso.

Walang naisyung provisional authority at sa halip ay inatasan ng NTC ang ABS-CBN na itigil ang broadcast operations kasunod ng pag-expire ng prangkisa nito.

Image by Kim Chiu via Instagram

Samantala, naghain ng resolusyon ang 13 senators na naghihikayat sa NTC na i-reconsider ang shutdown order nito sa ABS-CBN. Si Senator Risa Hontiveros ang principal author ng naturang resolusyon.

Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…