Paalala ng isang netizen: Pahalagahan ang mga delivery rider na nagsisilbing ‘uncelebrated heroes’

Imahe mula sa Facebook
  • Nagpaalala ang isang netizen na pahalagahan at itrato nang tama ang delivery riders
  • Malaki ang sakripisyo ng mga ito lalo na sa gitna ng COVID-19 pandemic
  • Magpapadala rin daw siya ng liham sa Grab upang iapela na alisin ang cancellation option kapag nakapag-order na

Pinaalalahanan ng isang netizen ang mga customer ng delivery riders na itrato sila nang tama dahil sa sakripisyong ginagawa nila sa panahon ng COVID-19.

Imahe mula sa Grab

Sa kaniyang Facebook post ay sinabi ni Clang Garcia na bukod sa mahabang pila ay hinaharap din nila ang matinding init sa daan at panganib na makakuha ng virus at maiuwi ito sa kanilang pamilya.

“Show them compassion, respect, and gratitude by giving them a cold bottle of water and a decent tip. And please don’t make them wait for a long time; ensure to monitor their time of arrival,” aniya pa. “We are the one asking for favors from them. They are the uncelebrated heroes of this pandemic.”

Kuwento niya, isang beses ay tinawagan siya ng na-book na rider upang manghingi ng extra cash dahil credit card ang mode of payment niya. “He pleaded if he can please request for an extra cash as he will not get his payout for that day for credit card transaction,” aniya.

Naisip niya raw na maaaring dala ng matinding pangangailangan ay naglakas-loob na ang rider na tawagan siya.

“When he arrived at 2 p.m. to turn over my order, I gave him a cold bottle of water, a pack of Fita biscuit and a good tip as I said ‘Thank you,’” salaysay niya.

Imahe mula sa Facebook | Carlo Puri

Sa puntong ito ay tinanggal ng rider ang kaniyang helmet upang magpasalamat sa ibinigay ni Clang dahil hindi pa siya nanananghalian.

“It brought me to silent tears. We do not know the situations of these riders since they had no income in the beginning of the quarantine. Any form of compassion, respect and help goes a long way,” aniya.

Susulat din daw siya sa Grab upang umapela na makuha kaagad ng mga driver ang kanilang komisyon. Imumungkahi niya rin daw na alisin ang cancellation option at kung mag-cancel man ang customer ay huwag itong i-charge sa rider.

Source :

Facebook

Loading…