Paalala ng rescue group ngayong tag-init: Bantayan din ang kalusugan ng mga alagang aso at pusa

Imahe mula sa Unsplash
  • Upang maprotektahan ang mga alagang aso at pusa mula sa heat stroke dala ng mainit na panahon ay naglabas ang isang rescue group ng mga panuntunan
  • Paalala nila, huwag iwan ang mga aso at pusa sa sasakyan o kulungan na gawa sa bakal at bigyan sila ng sapat na inumin
  • Kapag nakitaan sila ng sintomas ng heat stroke ay agad silang dalhin sa beterinaryo

Dahil sa sobrang init ng panahon ay nagpaalala ang isang rescue group para sa mga alagang hayop kung ano ang mga dapat gawin upang hindi tamaan ng heat stroke ang mga ito.

Imahe mula sa Facebook | PAWSsion Project

Paliwanag ng PAWSsion Project sa isang Facebook post, mas mahirap para sa mga aso at pusa na i-regulate ang temperatura sa kanilang katawan dahil wala silang kakayanan na magsalita upang sabihin ang kanilang nararamdaman o gumawa ng paraan upang maibsan ang init.

Sa comment section ay ibinahagi ng dog owner na si Roland Edna M. na ang kaniyang malusog na aso ay sinawimpalad dahil sa heat stroke. Hindi nila ito naagapan dahil walang bukas na veterinary clinic. Nakalulungkot, ‘di ba?

Upang maiwasan ito, ipinapayo ng PAWSsion project na huwag iwan ang mga alaga sa loob ng sasakyan o kulungan na gawa sa bakal. Makatutulong din ang paglalagay ng basang tela sa kanilang paa at ulo.

Imahe mula sa Facebook | PAWSsion Project

“Provide a cool shade, and do not confine them in spaces with poor ventilation. Offer ice cubes to lick,” anila.

Dapat ding bigyan sila ng sapat na inumin ngunit huwag silang buhusan ng tubig na may yelo upang maibsan ang init.

Ilan sa mga sintomas ng heat stroke na dapat bantayan ay panghihina, lagnat, pagkahilo, depresyon, sobrang hingal, paglalaway, mapulang dila, mapula o maputlang gilagid, makapal at malagkit na laway, pagsusuka, mabilis na tibok ng pus0, at pagtatae.

“Dogs and cats cannot perspire and can only dispel heat by panting and through their paw pads. If you suspect heat stroke, seek veterinary attention right away,” payo ng PAWSsion Project.

Source :

Facebook

Loading…