Paalala ni Ice Seguerra kay Spencer Reyes na frontliner ngayon sa Scotland: Make sure you are always safe

Imahe mula sa YouTube | GMA Public Affairs
  • Muling nagkausap sina Spencer Reyes at ang dati niyang ka-love team na si Ice Seguerra
  • Ani Ice sa isang episode ng KMJS, bilib siya sa patuloy na pagseserbisyo ni Spencer kahit pa seryoso ang banta ng COVID-19
  • Isa na ngayong frontliner si Spencer sa Scotland, kung saan nagda-drive siya ng bus na naghahatid sa mga frontliner sa kanilang trabaho

Saludo si Ice Seguerra sa dati niya ka-love team na ngayon ay frontliner na sa Scotland na si Spencer Reyes.

Imahe mula sa Instagram | Sphencer Reyes

Sa isang panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ay muling nagkausap ang dalawa. Ani Ice, hanga siya sa patuloy na pagseserbisyo ni Spencer, na nagda-drive ng bus sakay ng mga frontliner, sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Even though may COVID diyan and everywhere else, you are still continuing to do your job. Sobrang nakabibilib ‘yon,” ani Ice.

Ngunit paalala rin niya, mag-ingat si Spencer lalo na ngayon at may sarili na itong pamilya. “Make sure you are always safe. Especially itong sakit na ito, medyo may pagka-traydor din. And as much as you would want to help people, of course you have a family to think of. Kaya ingat lang,” dagdag niya.

Imahe mula sa Instagram | Sphencer Reyes

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Spencer sa isang radio interview kung gaano kahirap matanggap bilang bus driver sa Scotland.

“Napakahirap pumasok as bus driver. You need to do some examinations kasi may license dito sa kotse,” pagbabahagi niya. “Kailangang maipasa mo yung Hazard and Theory, tapos another… almost 10 na online tests… Kapag hindi mo maipasa yung isa doon, hindi ka magiging bus driver dito.”

Bagama’t namimiss ng dating Streetboys member ang pagsasayaw, kung saan siya higit na sumikat sa Pilipinas, ay masaya naman daw siya ngayon sa buhay kasama ang kaniyang pamilya.

May mga pagkakataon din na naiimbitahan sila ng kapwa Streetboys member na si Michael Sesmundo na magtanghal sa mga pagdiriwang ng Pinoy community roon.

Loading…