Pabalik-balik sa Ospital: Tiyahin nananawagan ng tulong pampagamot sa pamangkin

  • Mayroong sakit si Sandra Espenida sa baga at puso
  • Nagkasugat at namaga ang paa ni Sandra na tuluyang nagpapayat dito
  • Kumakatok ng tulong pampagamot ang pamilya sa may mabubuting loob

Mahtndi ang pagsubok sa buhay ng isang mahirap lalo na kung may miyembro pa ng pamilya na may karamdaman.

Image by Mark Letada via Facebook

Kumakatok sa may mabubuting loob si Marichu Letada Mutya para sa pamangking si Sandra Letada Espenida na ilang beses nang nagpabalik-balik sa ospital pero hindi pa rin tuluyang gumagaling.

Sa panayam, nasabi niya na nagsimula ang lahat noong nabuntis si Sandra at napag-alaman ng doktor sa Masbate Provincial Hospital na may sakit ito sa baga at puso. Binigyan ito ng gamot at pansamantalang gumaling.

Kalaunan, muling bumalik ang karamdaman at pinapili kung sino ang maililigtas — ang nanay o ang bata sa sinapupunan. Pinili ng pamilya ang kaligtasan ni Sandra para makainom na ito ng gamot at para na rin sa iba pang anak nito.

Umaayos naman ang kondisyon nito pero makaraan ang ilang linggo ay muling bumabalik. Nakaapat o tatlong beses na umanong nauulit ang tagpong ito, pahayag ni Marichu.

Malaki na ang kanilang nagastos. Mahirap lamang ang kanilang pamumuhay at maging si Marichu ay nais ding tumulong pero hikahos sa buhay.

Sabi ni Marichu, “Syempre kapag nagpapagamot ay kakailanganin po namin ang pera, eh walang wala po talaga kasi driver lang po asawa ko tapos ako ay sa bahay lang. Ang asawa naman niya ay mangingisda sa laot.”

Habang ipinatutupad ang quarantine at sa gitna ng kagipitan, bigla na lamang nagkaroon ng sugat at namaga ang mga paa ni Sandra na siyang nagpapayat sa kanya.

Naaawa na raw si Marichu sa pamangkin na mayroon pang maliliit na anak.

Image by Mark Letada via Facebook

“Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang inyong tulong sa pamangkin ko. Parang awa n’yo na po,” aniya.

Para sa mga nais tumulong, maaaring kontakin si Marichu sa CP No. 09208799421.

Image by Mark Letada via Facebook

Loading…