Paborito mo rin ba ang ‘Itnok’ noon?

Imahe mula sa YouTube | Jaylu12
  • Naaalala mo pa ba ang noodles na Itnok?
  • Napa-throwback ang ilang social media users nang ibahagi ito ng isang netizen sa Facebook group na Ang Dekada 2000’s
  • Ibinahagi nila roon ang kanilang kuwento tungkol sa Itnok kabilang na ang pagka-LSS sa jingle nito noon

“Kokorokokok, Itnok.”

Pamilyar ba sa iyo ang jingle na ito sa commercial ng sikat noong Lucky Me! Itnok?

Imahe mula sa YouTube | Jaylu12

Napa-throwback ang mga netizens sa kanilang pagkabata nang ibahagi ni Charmaine P. sa Facebook group na Ang Dekada 2000’s ang larawan ng noodles na ito na naging paborito noon ng maraming mga bata.

Makikita pa sa website ng Monde Nissin ang produktong ito na may ibang packaging na ngayon. “Itlog plus manok makes declicious Itnok! Kids cheer for the more eggy and creamy twist to Lucky Me!’s signature chicken goodness,” saad doon.

Marami ang hindi na nakakakain nito ngayon kaya naman ibinahagi nila ang mga alaala nila rito.

“Kunwari makikipaglaro. Makikikain lang naman talaga sa ibang bahay,” sabi ni Loui B. sa ibinahagi niyang post na ngayon ay may halos 2k reactions at 5.2k shares na.

Imahe mula sa Monde Nissin

Si Jhazz E. naman, inaming iniiyakan niya pa ang ina para lang ibili siya nito.

Ikinuwento naman ni D. Basco na hindi niya makalilimutan ang Itnok dahil ito ang pinaglihihan ng kaniyang ina sa kaniyang kapatid.

“Ito yung nakagagaling ng kahit anong sakit noong bata ka. Basta ipagluto ka ng nanay mo ng ganito with matching poached egg,” pagbabahagi naman ni J. Querijero. Ganito rin ang ginagawa noon ng ina ni Vincent M.

Samantala, hindi naman daw makalilimutan ni  LoKi S. ang catchy na commercial nito. “Meron din itong commercial noong 2004 kung saan may egg tray at hinatch nila ang mga bata na kumakanta sa tono ng ‘Ako ay May Lobo.’ Ilang beses ito ring nagre-air,” aniya.

Panoorin dito ang commercial ng Itnok:

Loading…