Pag-asa mula sa kalikasan: Double rainbow, nakuhanan ng larawan ng netizen mula sa Nueva Ecija

  • Pag-asa ang hatid ng isang pambihirang kuha ng isang netizen sa kalangitan
  • Mayroon kasing larawan ng double rainbow na kuha sa Gapan, Nueva Ecija at trending ngayon sa social media
  • Ayon sa mga netizens, tila indikasyon ito ng langit na matapos ang kinahaharap na pandemya ay may magandang bukas na naghihintay

Madalas mabalita sa social media ngayon ang tila pagbuti ng lagay ng kalikasan at kapaligiran natin. Maraming tanawin ang kitang-kita na ngayon kahit gaano man ito kalayo. Marami ang nagsasabi na nakapahinga ang Inang Kalikasan sa p0lusyon dahil nasa loob lang ng bahay ang maraming Pilipino ngayon.

Maliban sa mga ito, may ilan pang tila pag-asa mula sa kalikasan ang nakikita ng marami ngayon. Kabilang dito ang double rainbow na nakuhanan ng larawan ng isang netizen mula sa Gapan, Nueva Ecija. Para sa marami, simbolo ito ng bagong pag-asa na hinihintay natin ngayon.

Larawan mula sa Facebook post ni Yani Baylon

Ibinahagi ng netizen na si Yani Baylon sa kanyang Facebook account ang larawang kuha niya sa dalawang bahaghari. Talaga namang nakapupukaw ng atensiyon ang kuha dahil bukod sa bihirang makuhanan ng larawan ang double rainbow, nakadagdag pa sa ganda ng retrato ang taniman at puno.

Isinalaysay din ni Yani ang kuwento sa likod ng kanyang trending na kuha. Napakaaga raw siyang ginising ng kanyang ina, bago mag-ala-6 ng umaga dahil nais nitong makuhanan niya ang napakagandang double rainbow.

Kahit daw antok na antok pa noon, agad na kinuha ni Yani ang kanyang cellphone at nag-picture sa double rainbow. Umuulan pa raw noon pero hindi na raw ito ininda ni Yani dahil mas mahalagang makuhanan niya ang bahaghari.

Itinuturing ni Yani na isang malaking biyaya ang makuhanan ang ganito kagandang tanawin dahil tumagal lang daw ng tatlong minuto ang double rainbow sa langit at agad na rin itong nawala. Nakuha nito ang atensiyon ng malalaking media outfit at na-feature na rin ang larawan niya sa kanilang official social media pages.

Larawan mula sa Pexels

Para sa ilang netizens, tila simbolo ito ng bagong pag-asa dahil ang bahaghari daw ay lumabas lamang pagkatapos ng ulan. Indikasyon daw ito na makalalagpas din tayo sa ating mga kinahaharap ngayon at makikita ang hindi lang isa, kung hindi dalawa pang bahaghari.

Natuwa rin ang mga social media friends ni Yani sa kanyang kuha. Ayon sa kanila, nakaka-good vibes daw ito at nakababawas ng kanilang tak0t dahil sa pandemic na mayroon ngayon sa mundo.

Loading…