Pagbabalik ng anghel: Kapuso show na ‘Art Angel’ magbabalik na sa GMA Network tuwing umaga

  • Magbabalik na sa telebisyon ang sikat na art show ng GMA Netwok na Art Angel
  • Mapapanood ito weekday morning sa Kapuso network, ayon sa anunsiyo ni Tonipet Gaba
  • Maraming batang 2000s naman ang natuwa dahil muli na nilang mapapanood ang paboritong art show

Nang magsimula ang lockdown noong Marso, lahat ng television networks ay nagpapalabas ng replay ng kanilang mga shows dahil hindi rin makapag-tape ng mga bagong episodes. Dahil dito, lumaganap ang panawagan noon na i-replay ng ABS-CBN ang kanilang iconic education shows na kalaunan ay pinakinggan naman ng Kapamilya network.

Ngayon naman, ang GMA Network ang magbabalik ng isa sa kanilang pinakasikat at award-winning educational show na minahal ng mga batang 2000s — ang Art Angel.

Inanunsiyo ng isa sa mga hosts ng Art Angel na si Tonipet Gaba sa kanyang Instagram account ang pagbabalik ng pamosong art show nila ni Pia Arcangel.

Larawan mula sa Twitter

Kaiba sa original schedule nito na tuwing Sabado ng umaga, ipalalabas ang replay episodes ng Art Angel tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ng umaga sa GMA, kapalit muna ng talk show na Mars Pa More.

“MAY NAGBABALIK!!! Mga batang ART ANGEL! I-share na ang post na ito at i-share ang saya ng ating kabataan sa bagong henerasyon! Mag-uumpisa na next week, Mondays-Wednesdays-Fridays! 8:25 AM sa GMA!” anunsiyo ni Kuya Tonipet sa kanyang post.

Agad ring lumaganap sa Facebook group ng mga batang 90s at 2000s ang post na ito ni Kuya Tonipet tungkol sa pagbabalik ng Art Angel. Excited na raw silang mapanood muli sina Ate Pia, Kuya Tonipet, Krystal Reyes, at ang mahiwagang kamay na si Pintado.

Maraming mga batang 90s na magulang na ngayon ang natuwa sa pagbabalik ng art show na ito. Malaking tulong daw ito upang maibalik ang hilig ng mga kabataan sa sining lalo na ngayong nasa bakasyon ang mga ito.

Larawan mula sa GMA Network

“Malaking tulong sa mga kabataan sa bahay at mag-aral nang ligtas. #educationOnTV,” pahayag ng isang netizen sa post ni Kuya Tonipet.

Nostalgic: Hosts ng defunct children’s show na ‘Art Angel’ na sina Pia Arcangel at Kuya Tonipet, nag-reunion

Noong Hulyo 2019, naiulat din ng Definitely Filipino News ang munting reunion nina Ate Pia at Kuya Tonipet na nagbigay ng ngiti sa kanilang fans. Ayon sa mga ito, narinig daw nila ang nakaka-LSS na theme song ng Art Angel.

Sariwain ang opening song ng sikat na art show:

Loading…