Pagbigat ng trapiko naobserbahan sa ilang lugar na inilagay na sa GCQ

  • Naobserbahan noong Lunes ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang lugar sa ilalim ng GCQ
  • Nagkaroon ng build-up ng mga sasakyaan sa ilang checkpoint
  • Bagama’t may bumibiyaheng pampublikong sasakyan, nahihirapan pa rin ang mga pasahero dahil limitado lang ang pinasasakay upang masunod ang social distancing

Naobserbahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa unang Lunes ng pagpapatupad ng mas maluwag na general community quarantine (GCQ) sa ilang lugar. Ito ay sa dahilang pinapayagan nang makabiyahe ang mga pribado at pampublikong sasakyan.

Screenshot mula sa GMA video

Sa San Fernando, La Union ay nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko noong Lunes, ika-4 ng Mayo dahil maraming mga tricycle ang nagsimula nang pumasada. Upang hindi makaranas ng sobrang paninikip ng trapiko ay nagpapatupad pa rin ang lokal na pamahalaan ng number coding upang malimitan ang bilang ng mga sasakyan sa mga lansangan.

S Baler, Aurora naman ay nagkaroon ng build-up ng mga sasakyan sa mga checkpoints dahil sa dami ng mga pumasadang tricycle at bumiyaheng pribadong sasakyan.

Samantala, sa Iriga sa Camarines Sur ay namataan ang alkalde nito na si Mayor Madelain Alfelor na tumutulong sa mga traffic enforcers sa pagsasaayos ng trapiko. Sinabi niya na hindi pa rin pinapayagang bumiyahe ang mga jeepneey at bus sa kanilang lugar.

“We made the initiative na i-limit muna ang lalabas, otherwise, kung hindi tayo magli-limit, probably ‘yong linya nito sobrang haba,” anang alkalde patungkol sa mahabang pila ng mga sasakyan sa checkpoint.

Screenshot mula sa GMA video

Sa ibang lugar naman na nasa ilalim na ng GCQ kabilang ang Bulan, Sorsogon a Gamu, Isabela, ay pahirapan namang makakuha ng masasakyan dahil kakunti pa rin ang bumibiyahe at dahil na rin sa ipinatutupad na social distancing sa loob ng mga sasakyan.

Loading…