Pagpapatuloy ng Skyway Extension Project sisimulan na sa May 15

  • Muling ipagpapatuloy ang konstruksyon ng Skyway Extension Project simula sa May 15
  • Sa ilalim ng modified ECQ ay pinapayagan na ng IATF ang ilang uri ng konstruksyon
  • Limitado lang ang bilang ng mga construction workers upang mapanatili ang social distancing

Muling ipagpapatuloy ng San Miguel Corporation (SMC) ang nabinbing konstruksyon ng Skyway Extension Project dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon sanhi ng nararanasang COVID-19 crisis.

Imahe mula sa PNA

Sinabi ng SMC, sa pamamagitan ng SMC infrastructure, na simula sa Biyernes, ika-15 ng Mayo, ay muling magpapatuloy ang paggawa sa skyway extension na naantala nang dalawang buwan dahil sa (ECQ).

Ito ay kasunod ng pagdedeklara ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ng modified ECQ sa Metro Manila kung saan pinapayagan na ang ilang construction projects na magpatuloy.

Inaasahan na hindi magiging mabilis ang konstruksyon dahil limitado lang ang mga construction workers na papayagan sa construction site upang mapanatili ang social distancing para sa kapakanan at kalusugan ng mga manggagawa.

Ang mga workers na pagsusuotin ng face masks at gloves habang nagta-trabaho ay mananatili sa on-site facilities.

“We have been given the go-signal by government to resume work on the Skyway extension, and while we cannot yet go full blast, we will do whatever we can to deliver this project as close as we can to the original deadline. We have to work smart, be efficient, and most of all, keep the workers safe,” pahayag ni San Miguel President and COO Ramon S. Ang.

Imahe mula sa SMC

Upang mapabilis ang trabaho, pansamantalang isasara ang 700 metro ng Lane 3 ng northbound Skyway at-grade section sa loob ng isang buwan.

Ang naantalang proyekto, na ang layunin ay maibsan ang araw-araw na bigat ng daloy ng trapiko sa Alabang at sa South Luzon Expressway, ay nakatakda sanang matapos sa Disyembre ngayong taon.

Imahe mula sa SMC
Source :

PNA, ABS-CBN

Loading…