Pagpupugay: Netizens nagbigay ng pasasalamat sa mga magsasaka na patuloy sa pagkayod kahit may pandemya

  • Nagbigay-pugay ang mga netizens sa mga magsasaka na patuloy ang pagkayod ngayong may pandemya
  • Ayon sa post, kung wala raw ang mga magsasaka, wala tayong makakain ngayong panahon ng krisis
  • Maraming netizens naman ang nakiisa sa pagbibigay ng pasasalamat sa masisipag nating magsasaka

Sa panahong may kinahaharap na krisis ang mundo, maraming bagay ang napagtanto ng mga mamamayan. Ayon sa kanila, sa panahong sinusubok tayo, hindi pala ang mga luho at materyal na bagay ang mahalaga. Hindi raw natin kailangan ng magarang sasakyan ngayon, ng mga alahas, at designer bags at sapatos.

Ngayon, mas maraming mamamayan ang inilalaan ang kanilang budget para sa pagkain. Sa Pilipinas, mahalaga ang bawat butil ng bigas dahil masisiguro nitong may makakain ang kanilang pamilya kahit na hindi nakalalabas ngayon dahil sa quarantine.

Larawan mula sa Facebook post ni Jimpaul D. Andres

Kaya naman ang mga netizen ay nagbigay-pugay sa mga maituturing na bayani ng labanan ngayon, ang mga magsasaka. Ayon sa post ng netizen na si Jimpaul D. Andres, sumasaludo raw sila sa kasipagan ng mga magsasaka na sinisigurong may makakain tayo sa panahon ng lockdown.

Kung wala raw ang mga masisipag nating magsasaka, ay wala tayong kakainin sa araw-araw. At bilang pagbibigay ng pasasalamat sa mga magsasaka, hinikayat ni Jimpaul ang mga netizen na i-share at i-like ang larawan.

Dahil marami ang nais magbigay ng kanilang paghanga sa masisipag na magbubukid, nag-trending sa social media ang post na ito ni Jimpaul. Sa ngayon, mayroon nang 6,000 reactions at 50,000 shares ang naturang post.

Nakadagdag pa sa pagkaantig ng mga netizens ay ang larawang kalakip ng post ni Jimpaul. Makikita kasi ang mga magsasaka na kumakain ng kanilang simpleng tanghalian bilang pahinga sa pagtatrabaho sa taniman kung saan tirik ang araw.

Larawan mula sa PNA

Hiling ng mga netizens, sana raw ay patuloy na bigyan ng Diyos ng malakas na pangangatawan ang mga magsasaka para sa patuloy na serbisyong ibinibigay sa masa. Batid nilang hindi madali ang trabaho sa bukid at napakalaki ng ambag ng mga ito sa ating bansa ngayon.

Mula sa P6 na presyo noong 2019, halaga ng palay ngayong taon, umakyat na sa P20 kada kilo

Kamakailan lang din ay naiulat ng Department of Agriculture (DA) ang pagtuloy na pag-angat ng kita ng mga magsasaka dahil sa pagbalik ng presyo ng palay sa bente pesos. Matatandaan kasing tuluyang bumaba ang presyo ng palay dahil sa rice tarrification law na ipinasa noong nakaraang taon.

Loading…