Pagsasagawa ng online classes, anti-poor – Rep. Salceda

Imahe mula sa PNA
  • Anti-poor ang ginagawa ng ilang mga paaralan na patuloy na pagsasagawa ng online classes habang may umiiral na enhanced community quarantine, ayon kay Albay Rep. Joey Salceda
  • Ito ay dahil hindi lahat ng mga mag-aaral ay may laptop, cellphone, at Internet na maaari nilang gamitin upang makapagpasa ng requirements
  • Aniya pa, mas mainam na mag-mass promotion na lamang dahil may mga life skill namang natutunan ang mga estudyante ngayong may kinahaharap na krisis

Naniniwala si Albay Rep. Joey Salceda na anti-poor ang pagsasagawa ng online classes habang may umiiral na enhanced community quarantine kaya naman hinihimok niya ang mga paaralan na mag-mass promotion na lamang.

Imahe mula sa Congress

Sa isang radio interview ay sinabi niyang 5 percent lamang sa mga mag-aaral sa bansa ang may Internet access na sapat upang magawa ng mga estudyante ang mga iaatas na online activities.

“‘Pag ‘yan ipinilit mo, so yung 5 percent lang pala ang puwedeng matuto? E papaano yung 95 percent na dahil sa kanilang estado sa buhay, dahil sila po ay mahirap, kahit nasa loob ng Metro Manila o kahit siya po ay sabihin nating may kaunting kaya pero nasa malayo, hindi reliable ang Internet?” ani Salceda sa DZBB.

Kapag patuloy raw na nagsagawa ng online classes ay kakailanganing lumabas ng mga estudyante upang magpa-load, dahilan upang madagdagan ang exposure nila sa virus.

“In terms of access, alam mo, napaka-anti-poor ng online classes… Puwedeng maging optional ‘yan pero hindi po ‘yan puwede ipilit gawa nga po ng karamihan, wala naman po sila ng mga kinakailangan kagaya ng laptop, cellphone, at Internet,” dagdag niya.

Imahe mula sa Twitter | Franz Berdida

Bukod sa kakulangan ng gamit ay hindi rin kaila na mabagal ang Internet sa Pilipinas. Kamakailan lamang ay nag-trend nga ang video ng isang mag-aaral na kinailangan pang umakyat sa bundok upang makapagpasa ng requirement.

“[N]asa krisis tayo, bakit ni’yo pang dadagdagan? Lalung-lalo na, yung anxiety ng mga parents na pinipilit ngayon na magbayad ng tuition,” sabi ni Salceda.

“There [are] life skills being learned right now. That’s the kind of life skill that you cannot even put under controlled conditions.”

Loading…