Pagsayaw ng mga healthcare workers sa isang ospital sa Cainta, nagdulot ng saya

  • Saya ang hatid ng pagsayaw ng mga healthcare workers ng Cainta Municipal Hospital
  • Ginawa nila ito sa pamamagitan ng patok na “TikTok”
  • Nakasuot sila ng PPE at medical gears habang sila ay nagpapahatid ng good vibes

Itinuturing na mga makabagong bayani ang mga healthcare workers na nagsisilbing frontliners sa pagsugpo ng COVID–10 at nag–aaruga sa mga pasyenteng tinatamaan ng sakit. Hindi biro ang kanilang tungkulin dahil maaaring malagay sa peligro ang kanilang sarili gayundin ang kanilang pamilya at kaanak.

Kinatuwaan ng mga netizens ang “TikTok videos” ng mga healthcare workers ng Cainta Municipal Hospital sa lalawigan ng Rizal matapos nilang sumayaw nang sabay–sabay habang nakasuot ng kanilang PPE at iba pang medical gears, at sinusunod pa rin ang social distancing.

Ibinahagi iyan sa Facebook post ng isa sa mga healthcare workers na si “Coco Palmera Dela Cruz”.

Imahe mula sa Facebook account ni Coco Palmera Dela Cruz

Upang maibsan ang pakiramdam ng takot, pangamba, at kawalang–katiyakan, marami sa mga healthcare workers at frontliners ang nagdudulot ng saya at inspirasyon sa pakikisabay nila sa mga nauusong gawain ngayon online. Isa na riyan ang pagsayaw sa harap ng video at pagbabahagi nito sa social media platforms, gaya ng patok na TikTok.

Umani naman ito ng magagandang komento mula sa mga netizens.

“Ang gagaling naman ng ating mga frontliners! Salamat po sa inyong mga kabutihan, pagpalain po kayong lahat,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Thank you po sa sakripisyo at malasakit ninyo our true heroes! Mahuhusay po kayong sumayaw. Ipagpatuloy lamang po ninyo ang inyong magagandang gawain sa ating bayan! Inspirasyon po namin kayo!”

“Galing po ninyo, nakaka–good vibes po kayo! Mabuhay po kayong mga nasa bagong Cainta Hospital,” pahayag naman ng isa.

Bulalas naman ng isa, “Pampa–good vibes. Salute po sa inyong lahat. God bless po!”

Batay sa tala ng DOH, karamihan umano sa mga nagiging positibo sa sakit ay ang mga healthcare workers. Kaya naman, malakas ang panawagan nilang manatili sa bahay ang mga tao upang hindi naman masayang ang kanilang mga sakripisyo.

Panoorin ang TikTok video ng mga healthcare workers na ibinahagi ni Coco Dela Cruz:

Source :

Facebook

Loading…