Pakiusap ng Cavite governor na payagan ang mag-asawang magka-angkas sa motorsiklo, tinanggihan ng IATF

  • Hindi aprubado ng IATF ang pakiusap ng Cavite governor na payagan ang mag-asawang magka-angkas sa motorsiklo
  • Hindi umano maunawaan ni Gov. Remulla kung bakit hindi ito pinapayagan
  • Plano na rin ng gobernador na alisin ang liquor ban sa probinsya

Sa pamamagitan ng social media ay ipinabatid ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa mga Caviteño na hindi napagbigyan ng pamahalaan ang pakiusap niya na payagan ang mag-asawa na magka-angkas sa motorsiklo.

Imahe mula sa Daily Guardian

Aniya, hindi pa niya natatanggap ang opisyal na sagot ni Department of Health Secretary Francisco Duque III, ang chairman ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, subalit may naghatid na sa kanya ng impormasyon.

“I think they denied my request yesterday. That is what I heard. I was informed that I was denied but I have not received an official response yet,” pahayag ni Gov. Remulla.

Hindi umano maunawaan ni Gov. Remulla kung bakit hindi pinapayagan ang mag-asawa na sumakay sa iisang motorsiklo gayong  magkasama ang mga ito sa loob ng iisang bahay.

“I find no logic in not allowing couples to travel together. They sleep on the same bed, they eat on the same table, share the same bowl of rice…why can’t they ride the same motorcycle when the risk of COVID infection is almost zero if they do that,” anang gobernador.

Imahe mula sa Facebook account ni Gov. Jonvic Remulla

Samantala, plano ni Gov. Remulla na alisin na ang liquor ban, subalit kailangan muna ng isang polisiya na katanggap-tanggap sa lahat ng mga mamamayan.

“What we’re doing is formulating a liquor policy for the province that is sensible for everyone. Matigas kasi ulo ng tao dito,” aniya.

Sabi niya, ang pagbabawal sa nakalalasing na inumin ay nagresulta sa pagbaba ng bilang ng mga insidente ng kaguluhan, pero umusbong naman ang “underground economy” na nagbebenta ng alak sa halos triple ang halaga.

Binigyang-diin ng gobernador na sa pag-alis ng ban ay bawal pa rin ang tagayan sa pampublikong lugar at hindi maaari ang umpukan na mahigit sa limang tao.

Imahe mula sa Facebook account ni Gov. Jonvic Remulla

 

Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…