Pamosong pasalubong na Good Shepherd’s products, maaari nang matikman kahit ‘di magpunta sa Baguio

  • Marami ang nami-miss nang gumala at bumili ng mga pasalubong, lalo na ang mula sa Baguio City
  • Pero mapapawi na ang pagkatakam ng marami dahil maaari nang ma-order ang mga Good Shepherd products
  • Maaaring mag-order sa Facebook account ng Spew Organics at ide-deliveer ito sa inyong bahay mismo

Dahil sa paglaganap ng C0VID-19 sa Pilipinas, kanselado muna ang bakasyon ng marami dahil bawal din ang lumabas ng bahay ngayon. Isa sana sa mapupuno ng turista ay ang Baguio City na tinaguriang summer capital.

Maliban sa malamig na klima at magagandang tanawin, isa rin sa mga dinarayo sa Baguio ang masasarap na pagkain. At kung pagkain mula sa Baguio ang pag-uusapan, hindi makalilimutan ang mga nakatatakam na pasalubong mula sa Good Shepherd.

Larawan mula sa Facebook

Ngayong may quarantine sa maraming lugar sa bansa at bawal muna ang bakasyon, gumawa na ng paraan ang Good Shepherd para hindi ma-miss ng kanilang mga parokyano ang lasa ng kanilang iconic ube jam, lengua, chocoflakes, at iba pang matatamis na pasalubong.

Ready for delivery na kasi ang Good Shepherd products sa Metro Manila sa pamamagitan ng Bahay Pastulan, ang sister store ng Good Shepherd sa Tagaytay City, at Spew Organics. Naisipan daw nilang magkaroon ng delivery services dahil marami pang hindi nabebentang produkto.

Ayon sa Facebook post ng Spew Organics, dahil sa sunod-sunod na kinaharap na krisis ng bansa, mula sa pag-aalburoto ng Taal noong Enero hanggang sa pandemya, nahinto ang pagtitinda at produksiyon ng mga Good Shepherd products at marami ang nawalan ng trabaho. Bilang tugon ay naisipan nilang ituloy ang pagbebenta sa pamamagitan ng pagde-deliver.

“From the Taal erupti0n early this year up to the extended ECQ, hundreds of the women and their families who depended on Bahay Pastulan, the Good Shepherd Sisters’ store in Tagaytay City are severely affected economically. Their production is closed and many products remain unsold,” pahayag ng Spew sa post.

Larawan mula sa Facebook

Gagawin ng Spew Organics ang pag-deliver ng mga pasalubong mula sa Good Shepherd isang beses sa isang linggo. Ang customer din ang mamimili ng nais nilang delivery service. Maaaring mag-message sa Facebook account ng Spew Organics para sa pag-order.

Kasama sa mga mabibili ay ang ube jam, lengua, chocoflakes, alfajor soft cookies, angel cookies, atsara, peanut butter, cashew brittle, sampalok candy, garlic chips, gourmet tawilis at tuyo, snowballs, at tableya.

Loading…