“Pampagana” para sa paghuhugas ng mga pinagkainan, kinaaliwan

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang larawang nagpapakita ng paraan upang ganahan ang mga anak na maghugas ng mga pinagkainan
  • Makikitang may nakaipit na isanlibong piso para sa sinumang magkukusa sa paggawa nito
  • Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens na nagsabing gagayahin nila ito, pero hindi ganoong kalaking halaga ang gagamitin nila

Sa panahon ng Enhanced/General Community Quarantine, nagkaroon ng pagkakataon ang bawat pamilya na magkasama–sama sa loob ng tahanan at makapag–bonding. Ang ilan naman, nabigyan ng pagkakataon ang mga anak na makatulong sa mga gawaing–bahay, tulad ng paglilinis, paglalaba, o paghuhugas ng mga pinagkainan.

Kung minsan, dumarating sa puntong kinatatamaran ang paghuhugas ng mga pinagkainan. Minsan, nagtuturuan pa ang mga anak kung sino ba ang dapat maghugas, kaya nagkakaroon tuloy ng pagtoka o pagtatalaga para sa paggawa nito. Ngunit may ibinahaging solusyon diyan ang netizen na si “Brian Kylle Almonte II” na makikita sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Brian Kylle Almonte II/Public Domain Image

Ayon sa kaniyang caption, “Ganito dapat para ganahan kami.” Kalakip ng post ang larawan ng mga hugasing pinagkainan sa lababo. Ano ang pampagana? Isanlibong piso para sa masipag at may kusang maghugas nito!

Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ay gusto ko iyan! Kapag may isanlibo na ang labanan, baka mag-unahan pa ang mga bata sa paghuhugas niyan! Hahaha. Masubukan nga iyan sa mga anak ko, pero syempre, hindi ganiyan kalaking pera, ano sila sinusuwerte?” sabi ng isa, na mahihinuhang isang magulang.

Turan naman ng isa, “Wow, hindi ba masyadong malaki ang one thousand pesos? Baka malugi naman ako niyan hahaha, dapat magtipid–tipid. Baka ang mister ko makipag–unahan pa sa paghuhugas kapag ginawa ko iyan.”

“Magandang motivation iyan sa mga bata ah, masubukan nga minsan hehehe, pero masyado naman  ang one thousand pesos, siguro mga 100 pesos okay na iyan,” sabi naman ng isa.

Paalala naman ng isa, “Naku, for sure baka mag–unahan pa ang mga anak sa paghuhugas, pero pakatandaan natin, kailangan din natin silang turuan na hindi lahat ng bagay ay may kabayaran, kailangang matuto silang maging responsable. At sinisimulan iyan sa pagtuloy sa mga gawaing–bahay.”

Public Domain Image

Ayon sa sikolohistang si Burrhus Frederic Skinner Skinner, ang naturang akto ng pagbibigay ng reward, pabuya, o gantimpala ay tinatawag na “positive reinforcement.” Tinalakay niya ito sa kaniyang “Operant Conditioning” sa Sikolohiya.

Loading…