Panawagan ng isang netizen, ‘stop seller shaming’

Imahe mula sa Pixabay
  • Marami ang sumusubok ngayon sa online selling habang hindi pa nakababalik sa kanilang trabaho na naapektuhan ng lockdown
  • Ang isang netizen, nakaranas ng pangmamaliit mula sa kakilala
  • Dahil dito, panawagan niya sa mga kapwa seller na huwag makikinig sa opinyon ng iba at magpatuloy lamang sa paghahanapbuhay nang marangal

Dahil maraming empleyado ang naapektuhan simula nang ipatupad ang community quarantine ay marami ang nag-iisip muna ng ibang diskarte upang patuloy na kumita.

Imahe mula sa Facebook | Janie Flores

Marami na ang sumusubok sa online selling at bagama’t malinis at marangal itong paraan upang kumita ay may ilan na mababa ang tingin sa mga seller.

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Janie Flores ang mensahe na natanggap mula sa isang kakilala.

“Why are you selling? ‘La na money?” sabi nito. Nang ipaliwanag na nais niya lang ibenta ang ibang damit niya ay sumagot pa ito at sinabing “puro na lang pagkakakitaan ang naririnig ko sa’yo.”

Paalala ni Janie sa mga online seller, huwag makikinig kapag may mga sumusubok na maliitin sila. “If you also have ‘friends’ who make selling sound like a bad thing, do yourself a favor and do not listen,” aniya.

Imahe mula sa Pixabay

“There is nothing wrong with selling things. Even the wealthiest people I know are selling right now. After all, isn’t that the very basic principle of business — to sell?”

Paliwanag niya pa, ang mensaheng natanggap niya ay galing sa isang taong hindi naapektuhan ng pandemya ang hanapbuhay kaya marahil ay hindi nito naiintindihan ang mga nangangailangan munang dumiskarte sa ngayon.

Dagdag niya, isipin na lamang ng mga seller na nakararanas ng ganito na hindi ang opinyon ng iba ang magpapakain sa kanilang pamilya.

“As long as kumikita ka nang maayos sa malinis at marangal [na paraan], let no one ever make you feel bad about the way you earn a living. Empty minds are the first to speak but last to comprehend. DO NOT BE DISCOURAGED.”

Tama nga naman!

Source :

Facebook

Loading…