Pang. Duterte naniniwalang China ang unang makagagawa ng bakuna kontra COVID

Imahe mula sa PNA
  • Sigurado raw si Pang. Rodrigo Duterte na isa ang China sa mga bansang makagagawa ng bakuna kontra COVID-19
  • Maraming bansa ang sumusubok na makahanap ng bakuna para sa pandemyang ito na nilalabanan ng maraming mga bansa
  • Dagdag pa niya, Setyembre ang target ng China sa pag-develop nito

Naniniwala si Pang. Rodrigo Duterte na ang China ang isa sa mga bansang unang makagagawa ng bakuna kontra COVID-19.

Imahe mula sa PCOO

Sa kaniyang briefing ay sinabi ng pangulo na tinatrabaho na ito ng maraming mga bansa. “Everybody is at it so they are really trying their very best kaya lang itong China hindi ito hambog. Wala itong ere. But they work and I am very sure that they will be one of the countries that would be able to come up with the vaccine,” aniya.

Dagdag niya rin, Setyembre ang target ng China sa pag-develop ng bakuna. “Just pray that the vaccine, ang target nila is September. I think China will be able to distribute, if I am not mistaken, and other countries are catching up,” paliwanag ng pangulo.

Imahe mula sa Pixabay

Una nang sinabi ni Pang. Duterte na hindi niya muna papayagan ang physical classes habang wala pang bakuna.

“I will not allow the opening of classes na magdikit-dikit ang mga bata. Bahala na hindi makatapos,” pahayag niya. “Unless I am sure that they are really safe…It’s useless to be talking about opening of classes. Para sa akin bakuna muna. ‘Pag nandiyan ang bakuna, okay na.”

Sa briefing na iyon ay sinabi rin niyang simula sa June 1 ay sasailalim na sa GCQ ang National Capital Region, Davao City, Region II, Region III, Region IV-A, Pangasinan, at Albay. “We are not happy to put you in this place but after review, maybe we can,” sabi niya.

Samantala, ang ibang mga parte ng bansa naman ay ilalagay sa modified general community quarantine.

Loading…