Panindang prutas ng matandang may dalang sanga ng mangga, pinakyaw ni Hungry Syrian Wanderer

  • Panindang prutas ng isang matanda, pinakyaw ni The Hungry Syrian Wanderer
  • Kapansin-pansin ang sanga ng mangga sa kariton ni Mang Renato
  • Sabi ng tindero, marketing strategy niya ito

Pinakyaw ng vlogger na si Basel o mas kilala bilang “The Hungry Syrian Wanderer” ang mga prutas na paninda ng isang matandang nadaanan niya dahil sa kapansin-pansin ang pagdadala ng huli ng sanga ng mangga na may nakasabit pang mga prutas.

Image capture of video by The Hungry Syrian Wanderer via YouTube

Agarang napansin ni Basel ang kariton ni Mang Renato, 47, habang nagmamaneho ito kaya’t naisipan niyang surpresahin ang matanda.

Nauna muna nitong inalam ang presyo ng mga paninda kung saan P50.00 ang isang kilo ng mangga samantalang mas mahal naman ang nabalatan sa P40.00 kada supot. Mayroon din itong panindang mansanas, lemon at iba pa.

Nasabi na nakatira sa Muntinlupa ang tindero, samantalang kinuha naman niya sa San Pedro, Laguna ang punong dala-dala na aniya’y marketing strategy.

Dahil dito, kinuha ng vlogger ang pera mula sa kanyang sasakyan na sana’y pambayad niya ng kuryente pero binawasan para mabili ang mga prutas.

“Bili ako lahat, hindi joke ‘yan Tatay,” aniya.

Mapapansin na nagdesisyon ang tindero na hindi na isali sa babayaran ng Mabuting Samaritano ang mga lumang prutas na paninda at ibinaba sa P40.00 ang kada kilo ng mangga.

Makaraang bayaran, kumuha lamang ng isang kilo ng mangga at lemon si Basel pero ipinagpilitan ng tindero na dagdagan pa ito.

Dinagdagan naman niya ito pero karamihan pa rin sa mga paninda, maging ang sanga, ay iniwan na sa matanda para ilako pa nito.

Image by The Hungry Syrian Wanderer via Facebook

“Rewarding some hardworking people in a way to show people that if there’s a will there’s a way,” kapsyon niya sa YouTube video.

Samantala, pinuri naman ng netizens ang kabutihan ng vlogger.

Sabi ng isa, “You never failed to make me cry every time I’m watching your vlogs Basel. I’m one of your avid fan, I’m really happy. God bless you.”

Panoorin ang vlog ni The Hungry Syrian Wanderer sa ibaba:

Source :

YouTube, Facebook

Loading…