Panoorin: Virtual performance ng “Don’t Stop Believin’” ni Arnel Pineda, Journey sa UNICEF fundraiser

  • Arnel Pineda at Journey nagtanghal sa “UNICEF Won’t Stop” global relief concert
  • Ipinakilala ng Journey ang mga bagong miyembro ng banda, kabilang si Randy Jackson na dating American Idol judge
  • Layunin ng benefit show na makakalap ng pondo upang makapagbigay ng mga personal protective equipment sa mga health frontliners at relief goods para sa mga bata

Noong Sabado, ika-23 ng Mayo, isa ang American rock band na Journey, na ang frontman ay ang Pinoy singing sensation na si Arnel Pineda, ang kabilang sa mga music artists na gumawa ng virtual perfomance para sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) fundraiser.

Screenshot mula sa video ng Journey

Tinugtong ng Journey ang “quarantine version” nila ng  kanilang 1981 smash hit na “Don’t Stop Believin” para sa UNICEF Won’t Stop global relief concert na napanood sa cable news channel na MSNBC.

Layunin ng benefit show na makakalap ng pondo upang makapagbigay ng mga personal protective equipment sa mga health frontliners at relief goods para sa mga bata.

Ayon sa founder ng Journey na si Neal Schon at long time band member Jonathan Cain, hindi sila nagdalawang-isip na gawin ang virtual performance matapos pakiusapan ng UNICEF.

“We were asked by UNICEF if we could come together to do this on Wednesday morning. We admire their work and we dropped everything to do this in self-isolation. Their “UNICEF Won’t Stop” campaign is great and we can only say don’t stop believing. Right now, more than ever, we can each make a difference if we don’t stop believing,” ani Schon at Cain sa kanilang joint statement.

Screenshot mula sa video ng Journey

Bago magtanghal, sinabi ni Schon sa social media na may bago silang band members. Si Randy Jackson, na dating judge sa American Idol, ang bago nilang bass guitarist. Naging bahagi na noon ng Journey si Jackson noong 1980s.

“Ok Friends word is out! @randyjackson RJ the Big Dawg is our new Bass player again,” post ni Schon sa Instagram.

Bago na rin ang drummer ng grupo – si  Narada Michael Walden –  at backup vocals/keyboardist na si Jason Derlatka.

Kabilang din sa mga nag-perform sa “UNICEF Won’t Stop” sina Rod Stewart, Sheryl Crow, Sting, Cher, Eurythmics, Peter Frampton at marami pang iba.

Source :

ABS-CBN, UNICEF

Loading…