Panukalang pagbuwag sa NTC, isinusulong ni House Leader Abante sa Kongreso

  • Naghain si House Minority Leader Benny Abante Jr. ng bagong panukala kaugnay sa pagnanais na mabuwag ang National Telecommunications Commission o NTC
  • Ipinasa ito ng kongresista matapos hindi magbigay ng provisional authority to operate ang NTC sa ABS-CBN, sa kabila ng pangako nila sa harap ng iba pang mambabatas
  • Ayon pa kay Abante, mas maiging i-transfer na lang ang kapangyarihan ng NTC sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa mas maayos na pagpapatupad ng mga ito

Ikinagulat ng marami ang paghahain ng isang kongresista ng bagong panukalang naglalayon na bumuwag sa National Telecommunications Commission o NTC.

Imahe mula sa PNA

Inihain ito ni House Minority Leader Benny Abante Jr. sa Kongreso ilang araw matapos mag-isyu ng cease and desist order ang NTC kontra ABS-CBN.

Ayon pa kay Abante, mas maiging ilipat na lang ang kapangyarihan ng NTC sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa mas maayos na pagpapatupad ng mga ito.

“The NTC should be abolished and its functions and powers be transferred to the DICT where it can be better exercised and hopefully be more responsive to the needs of our changing times,” ani Abante sa kaniyang privilege speech.

Binanggit ng kongresista ang hindi pagtupad ng NTC sa pangako nilang magbibigay sila ng provisional authority to operate sa naturang network noong pinakahuling hearing kasama ang ilan pang mambabatas.

“NTC Commissioner Gamaliel Cordoba told the House Committee on Legislative Franchises on March 10 ––under oath–– that the NTC will issue a provisional authority to ABS-CBN,” pahayag ni Abante.

“Contrary to its previous pronouncements, the NTC issued a Cease and Desist Order directing ABS-CBN to cease operations immediately,” dagdag niya.

Imahe mula sa Facebook video ng House of Representatives of the Philippines

Inungkat din ng kongresista ang iba pang isyu gaya na lang ng paraan ng pagre-regulate ng ahensiya sa telecommunications industry.

“Our NTC, supposedly in charge of regulating and promoting the telecommunications industry has turned out to be one of the most inept and useless agencies whose only relevance lies in being another model for sheer wastage of taxpayer money,” aniya.

“Its failure all these years to invoke sanctions against the companies poorly serving the people’s telecommunications needs is a perfect reason to abolish it already,” dagdag pa ng Kongresista.

Loading…