Pari personal na nag-aabot ng komunyon sa mga mananampalataya

Imahe mula sa Facebook | Nicanor F. Lalog II/Ria De Vera
  • Napahanga ang netizens sa isang pari na lumalapit sa mga mananampalataya upang magbigay ng komunyon
  • Pagkatapos ng misa sa pamamagitan ng Facebook live ay sinasabihan niya ang mga nasasakupan na hintayin siya sa highway o sa labas ng kanilang mga tahanan
  • Aniya, alam niyang uhaw na ang mga tao kay Hesus kaya siya na mismo ang naghahatid nito sa kanila

Hinangaan ng netizens ang isang pari sa Sta. Maria, Bulacan na personal na pinupuntahan sa tapat ng kanilang bahay ang mga mananampalataya upang makapagkomunyon sila.

Imahe mula sa Facebook | Nicanor F. Lalog II/Ria De Vera

Ayon sa Veritas946, nagmimisa si Rev. Fr. Nicanor Lalog II sa pamamagitan ng Facebook live tuwing alas-7 ng umagang Linggo at saka naglalakad sa labas upang makapag-komunyon ang mga residenteng nasasakupan ng San Juan Ebanghelista Parish.

“Pagkatapos ng misa namin sa Facebook tuwing Linggo ng alas-7 ng umaga, sinasabihan ko ang mga parokyano ko na hintayin ako sa highway o sa harap ng mga bahay nila at magbibigay ako ng komunyon,” sabi ni Fr. Lalog, ayon sa Veritas846.

Minsan daw ay may pamilyang pumunta sa kaniya sakay ng sasakyan. Sinabihan niya ang mga ito na huwag nang bumaba at siya na lamang ang mag-aabot doon ng komunyon.

“‘Yan ang naisip ko kasi uhaw na ang mga tao kay Hesus. May paghahangad sila kay Hesus sa Eukaristiya kaya naisip kong ihatid si Hesus sa kanila.”

Imahe mula sa Facebook | Veritas846

“Totoo po. Gutom at uhaw na kami sa body of Christ. Pagpalain po kayo ng Diyos sa iyong banal na paglilingkod,” pagsang-ayon ni C. Barcelona.

Marami naman ang nagpasalamat sa ginawang iyon ng pari. “Thank you po, beloved Fr. Lalog for leaving no stones unturned in bringing the Holy Eucharist to our ‘spiritually impoverished’ souls,” sabi ni E. Medalla.

Dalangin ng marami, sana ay ingatan ang pari mula sa virus. “God bless you po, Fr. Lalog. Nawa ay ingatan po kayo ng Panginoong Hesus,” ani C. Dela Cruz.

Loading…