Partial reopening ng mga POGO pinayagan sa gitna ng umiiral na ECQ

  • Partial reopening ng mga POGO pinayagan ng pamahalaan
  • Papayagang makapasok ang 30% ng mga empleyado na nakatira sa loob ng 5-kilometer radius ng kompanya
  • Nagpahayag ng pagkabahala si Senator Joel Villanueva sa muling pagbubukas ng mga POGO sa gitna ng ECQ

Pinayagan ng pamahalaan ang partial reopening ng mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa kabila ng patuloy na pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa MEtro Manila.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Sa isang televised interview, sinabi ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman at CEO na si Andrea Domingo na papayagang pumasok ang 30% ng mga empleyado ng mga POGO sa kondisyong susunod sila sa mga precautionary measures na ipinatutupad.

Batay  umano ito sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force(AITF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“Na-notify lang kami kahapon na na-approve na nga. Iko-consider ang POGOs as BPOs (Business Process Outsourcing). Dahil sa dami naming requirements, siguro it will take them another week bago pa sila makapag simula. ‘Yung POGO parang BPO ‘yan. Ang kliyente nila o mga manlalaro, nasa ibang bansa. Walang face-to-face,” ani Domingo.

“Only 30% ng kanilang mga tauhan ang puwedeng pumasok. Skeletal din. Kaya 30% lang ng manpower nila ang puwedeng mag-report, sapagkat mahigpit na mahigpit kami sa pagpapatupad noong social distancing using face masks, disinfection of their work areas every shift, and then also sila hindi puwedeng sumakay sa public transport or hindi pwedeng pumunta sa any public place,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa Yogonet

Kailangang hatid-sundo ng private buses ng POGO firms ang mga empleyado nila. Ang mga empleyadong papayagang makapasok ay dapat naninirahan sa loob ng 5-kilometer radius ng kompanya.

Dapat din silang pumasa sa COVID-19 rapid test.

“’Yung negative lang ang puwedeng pumasok at sila ay ite-test every 14 days,” ani Domingo.

Nagpahayag ng  pagkabahala si Senator Joel Villanueva sa pagpayag na magbukas ang mga POGO.

Imahe mula kay Sen. Joel Villanueva

“Lahat ng eksperto nagsasabi na hindi po ito essential sector. Sakaling magkaroon ng outbreak ang industriya at dito nagsimula sa POGO sector, sino po bang gobyerno ang gagambalain nito? Kaninong salapi po ba ang gagastusin na naman para i-address ang problemang ito?” aniya.

Tinatayang aabot sa 60 ang POGO firms na papayagang makapag-operate.

Loading…