Pasyenteng na-discharge matapos ang kritikal na laban sa COVID, emosyonal sa surpresa ng PGH

Imahe mula sa Facebook | Jonas Del Rosario
  • Naging emosyonal ang paglabas ng isang pasyente sa Philippine General Hospital na naka-recover mula sa COVID-19 matapos siyang surpresahin ng mga staff ng ospital
  • Siya ang unang critically ill pediatric COVID survivor na naitala nila
  • Bilang pasasalamat sa mga frontliner ay nag-iwan ang pasyente ng liham para sa mga itinuturing niyang mga makabagong bayani

Nagdiwang ang mga staff ng Philippine General Hospital (PGH) nang gumaling ang isang 18 anyos na may special needs at chronic kidney disease mula sa COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | Jonas Del Rosario

Sa Facebook video na ibinahagi ni PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario ay makikita ang kagalakan ng mga frontliner nang ma-discharge ang pasyente – sinalubong nila ito ng hiyawan, palakpakan, lobo, at confetti.

Mahalaga para sa kanila ang paggaling ng hindi pinangalanang pasyente matapos ang 30 araw ng pagka-confine dahil siya ang unang critically ill pediatric COVID survivor na naitala nila.

Dalawang beses kinailangang matubuhan ang pasyente at sumailalim din siya sa hemodialysis at peritoneal dialysis.

Imahe mula sa Facebook | Jonas Del Rosario

Sa kabila nito ay hindi siya pinanghinaan ng loob. Sa katunayan ay sinabi pa niya sa mga nakababatang naka-confine doon na siya ang guardian angel nila. “We know him to be very cheerful kid and very much a leader to his peers,” ayon sa PGH.

Nagpasalamat naman si Del Rosario sa mga bumubuo PGH Pedia COVID-19 Team dahil sa kanilang pagtutulungan upang mapagtuunan ng pansin ang mga pasyente.

“It takes total TEAM effort to make this happen with God’s grace. Kudos to PGH Pedia COVID-19 Team,” ani Del Rosario sa kaniyang post. “This child’s tears of joy motivates us to continue this fight no matter how long it takes.”

Ayon sa GMA News, nag-iwan ang pasyente ng sulat bilang pasasalamat sa mga staff ng ospital.

“Thank you for putting yourself in the way of danger to save others, to save the public. This is what it means to be a hero. This is what it means [to build] a beautiful legacy,” aniya.

Panoorin dito ang video:

Loading…