PBS sa pag-ere ng Wow China: “The show features traditions, culture, and history of both the Philippines and China”

  • Naglabas na ng opisyal na pahayag ang PBS kaugnay ng pag-ere ng programang Wow China
  • Ayon sa PBS, 2018 pa ito nasa ere at ipinakikita ang kultura, tradisyon, at kasaysayan ng Pilipinas at China
  • Umani ng batikos ang Wow China dahil propaganda raw ito upang ‘pabanguhin’ ang China sa mga Pilipino

Umani ng batikos ang programang Wow China na umeere sa Radyo Pilipinas RP1 na nasa ilalim ng Philippine Broadcasting Service (PBS) na isang attached agency naman ng Presidential Communications Operations (PCOO).  Naging viral ang program sa social media matapos umani ng batikos na ipinalalaganap nito ang kulturang Chinese sa bansa.

Kumambyo naman ang PBS at naglabas ng pahayag ukol sa kanilang programa. Ayon sa ahensiya, ang Wow China raw ay umeere na simula pa noong 2018 tuwing weekend ng hapon at ang China Radio International daw ang producer nito.

Larawan mula sa YouTube

Mayroon lamang daw itong PBS anchor na co-host. At taliwas sa balitang kumakalat sa social media, ang Wow China raw ay isang show na nagpapakita ng kultura, tradisyon, at kasaysayan ng parehong bansa— ang Pilipinas at China.

“Co-hosted by a PBS anchor and broadcast in Filipino, the show features the traditions, culture, and history of both the Philippines and China; as well as the differences and similarities between the two countries. Its format is light, informative, and entertaining; in no way whatsoever does it espouse or promote a particular political view or cause,” saad ng official statement ng PBS.

Giit pa ng PBS, ang pagpapalabas ng Wow China ay isa lamang sa maraming communications at media agreement ng Pilipinas at China upang mas mapatibay at mapaunlad umano ang kakayahan ng dalawang bansa sa broadcast media.

Inilahad rin ng PBS na hindi lamang daw sa China sila nagkakaroon ng ugnayan patungkol sa ilang programa. Mayroon din daw mga balita at feature tungkol sa ilang bansa sa Southeast Asia katulad ng Indonesia, Malaysia, Vietnam, Singapore, at Brunei.

Larawan mula sa PBS

Tiniyak din ng PBS na taliwas daw sa mga lumalabas na balita, ang PBS ay isang media organization na nagbibigay ng totoo at makabuluhang balita at impormasyon sa buong bansa lalo na’t may kinahaharap na krisis ang bansa. Hindi rin daw dapat pinalalaganap ang pagkamuhi at sariling interes sa panahong kailangan ng bansa ng pagkakaisa.

“Now, more than ever, PBS remains steadfast and true to its mandate of being the broadcast arm of the government of the Republic of the Philippines and its people. Let us keep in mind that as a nation We Heal as One!” saad ng PBS statement.

Basahin ang official statement ng PBS dito:

Posted by PTV on Tuesday, May 12, 2020

Loading…