PhilHealth, may 7 bilyong pisong utang sa 5,000 ospital; ahensiya nagpaliwanag na normal ito sa kanilang transaksiyon

  • Nasa pitong bilyong piso pa raw ang bayarin ng PhilHealth sa limang libong 0spital sa bansa
  • Dumepensa naman ang PhilHealth at sinabing normal ito sa kanilang taunang transaksiyon
  • Malaking bahagi rin umano ng pending na bayarin ay dahil din sa ilang aberyang nagawa ng mga claimants 

Nalagay kamakailan sa kontrobersiya ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa pagdadagdag ng halaga ng kontribusyon ng mga overseas Filipino workers (OFW). Hindi pa man tuluyang nareresolba ang isyu, isang panibagong ingay ang kinakaharap ng ahensiya.

Napaulat kasing mayroon nang P7 bilyong utang ang PhilHealth sa 5,000 0spital at iba pang health facilities sa bansa. Ngunit agad na dumepensa ang health insurance agency at sinabing normal lang ito sa kanilang mga transaksyon.

Larawan mula sa PNA

Paliwanag ni PhilHealth President at CEO Ricardo Morales na dahil malaking korporasyon ang health insurer, normal lamang na magkaroon sila ng malaking bayarin sa mga pagamutan. Tumatanggap daw kasi sila ng milyong health claims buwan-buwan kaya naman natatambak din ang kanilang mga binabayaran.

Ngunit paglilinaw ni Morales, patuloy ang pagbabayad nila sa mga ospital ng nasa P10 hanggang P12 bilyon kada buwan ngunit sadyang naka-schedule kung sino ang mabibigyan nila ng bayad.

“We have always accounts payable at any time. Because we are a large corporation, we transact about 1 million claims a month, we pay out between P10 to P12 billion a month,” pahayag ni Morales sa CNN.

Giit pa ni Morales, may mga bayarin din daw sila sa mga 0spital dahil sila mismo ang nagkakaroon kung minsan ng aberya. Madalas daw na may mga nagke-claim ng kanilang health insurance na hindi pa compliant sa requirements nila kaya ibinabalik nila ito at natetengga.

Pagmamalaki pa ni Morales, bago nga raw matapos ang 2019 ay nasa P12 bilyon ang pending na bayarin ng PhilHealth dahil sa mga aberya ngunit napababa na raw nila ito sa pitong bilyon sa kasalukuyan.

Larawan mula sa PNA

“At the end of 2019, this accounted to P12 billion for the 5,000 or more h0spitals, clinics… As of latest count, we have reduced it to P7 billion. So nababayaran namin ‘yan,” dagdag ng PhilHealth chief.

Pagtitiyak pa ni Morales, hindi dapat mabahala ang publiko sa mga numerong ito dahil mababayaran nila ito bilang normal na bahagi ng kanilang pagproseso ng kanilang mga bayarin.

Source :

CNN, Inquirer

Loading…