Pinapayagan na ang tagayan sa Pasay basta sa loob lang ng bahay

  • Pinapayagan na ang pagbebenta at pagbili ng alak sa Pasay City mula 8 a.m. hanggang 6 p.m. araw-araw
  • Sa ilalim ng City Ordinance No. 6107, maaari lang magtagayan sa loob ng bahay, ngunit dapat masunod ang physical distancing
  • Layon ng ordinansa na maibsan ang pagkabalisa ng mga residente at tulungan ang mga maliliit na negosyante

Inalis na ng lokal na pamahalaan ng Pasay City ang pagbabawal sa pagbebenta at pagkonsumo ng mga inuming gaya ng alak, ngunit may ilang kondisyon na dapat sundin ang mga residente.

Imahe mula sa Panay News

Naglabas ng isang ordinansa ang Pasay City upang amyendahan ang naunang city ordinance na nagbabawal sa pagbebenta, distribusyon at pagbili ng alak habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

Batay sa Ordinance No. 6107 na napirmahan ni  Mayor Imelda Calixto-Rubiano noon pang ika-4 ng Mayo, maaari nang magbenta ang mga negosyante at bumili ang mga residente ng nasabing inumin mula alas-otso ng umaga hanggang alas-sais ng gabi araw-araw.

Layunin ng amended ordinance ng Pasay City na matulungan ang mga maliliit na negosyo na madagdagan ang kanilang benta sa gitna ng ECQ. Layon din nitong maibsan ang pagkabalisa ng mga residente.

Kabilang sa mga kondisyon na dapat sundin ng mga mamamayan ng Pasay City hinggil sa nasabing ordinansa ay ang pagsunod sa physical distancing habang nagtatagayan. Hindi rin ito maaaring gawin sa mga pampublikong lugar at maging sa mga bakuran. Dapat ay sa loob lang ng bahay.

Mayor Imelda Calixto-Pasay City Rubiano/Imahe mula sa Pasay City government

Makikita sa larawan sa ilalim ang ilang bahagi ng  mga isinasaad ng city ordinance:

Screenshot ng Pasay City Ordinance no. 6107

Loading…