Pinay beauty queen ipinaliwanag kung bakit tinanggihan ang Miss Eco International title

Imahe mula sa Instagram | Maureen Montagne
  • Tinanggihan ng Filipina beauty queen at 2019 Miss Eco International 1st runner up ang korona nang ma-dethrone ang title holder na nagdadalantao
  • Kabilang si Maureen Montagne sa mga opisyal na kandidata ng Binibining Pilipinas 2020
  • Aniya, nagpapasalamat siya sa oportunidad na inalok sa kaniya ng Miss Eco ngunit nakapag-commit na siya sa Binibining Pilipinas

Kamakailan lamang ay inanunsyo ng Miss Eco International ang dethronement ng 2019 title holder nilang si Suheyn Cipriani mula sa Peru dahil nagdadalantao ito.

Imahe mula sa Instagram | Suheyn Cipriani

“The hectic schedule of the Miss Eco winner is unsuitable for pregnant women. Since it may negatively affect the upbringing of a newly born child deprived of his mother’s love,” sabi nila sa isang opisyal na pahayag.

Paliwanag pa nila, kailangan nila ng title holder na maaaring makapag-commit na gawin ang mga responsibilidad. Gayunpaman ay nagpapasalamat daw sila kay Cipriani.

“We think that she did a great job in performing her duties as our Miss Eco 2019. We wish her the best in her endeavors,” anila.

Ang Filipina beauty queen na si Maureen Montagne ang itinanghal noon na 1st runner up ngunit tinanggihan niya ang korona dahil nakapag-commit na siya bilang opisyal na kandidata ng Bb. Pilipinas 2020.

Imahe mula sa Instagram | Maureen Montagne

“I have made a commitment to the Binibining Pilipinas Charities Inc. wholeheartedly and I will continue to chase my dreams of competing on the BBP stage in the hopes of representing our country on the international stage,” sabi niya sa kaniyang pahayag.

Sa kabila nito ay nagpapasalamat siya sa Miss Eco.

“I am thankful for the opportunities I have been offered this week by the Miss Eco International Organization to whom I will always be thankful to, but I know deep down I need to do what’s right in my heart. I sincerely wish the woman who will take the crown a wonderful reign ahead,” ani Maureen.

Ayon sa Miss Eco International, si Miss Brazil Amy Tinie Abdul Aziz na ang sasalo sa korona.

Loading…